Default Thumbnail

Koreana nag-OD sa loob ng hotel

August 23, 2023 Bernard Galang 161 views

ISANG Koreanong babae noong Martes ang natagpuang walang malay dahil sa umano drug overdose sa hotel room sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa pulisya ang dayuhan ay 31 anyos at pansamantalang tumutuloy sa Room 1017 ng Central Park Tower Hotel sa Lourdes Street, Balibago, Angeles City.

Ayon kay Col. Amado Mendoza Anges city Police Chief, sabi na hotel worker na sina Ivy Espejo, 28, ng 4-28 California Street, Villasol Subd., Bgy. Anunas, Angeles City at Jenalyn Mekitpekit, 32, ng #13 Santol Road, ClarkView, Malabanias, Angeles City, kumatok sila sa pinto upang ipaalam sa Koreana na kailangan niyang mag-check out ngunit walang tugon kaya napilitan silang gamitin ang master key para buksan ang pinto.

Sa loob ay natagpuan nila ang dayuhan sa kama na walang malay at sa tabi nito ay may isang note na nakasulat sa Korean na pinaniniwalaang suicide note.

Natagpuan din sa silid ang mga sari-saring plastic sachet ng mga gamot na may sulat Korean.

Ipinaalam ng mga tauhan ng hotel sa pulis ang pangyayari at agad isinugod si Kim sa PRI Hospital.

Ayon sa doktor, ang mga sachet ng gamot na nakuha sa silid ay para sa paggamot ng mga lymph node at arthritis.

Si Jaehaek Yang, consular assistant ng Embassy of Republic of Korea, ay nagtungo sa ospital at kinumpirma na ang sulat ay isang suicide note at ang biktima ay depressed dahil umano brokenhearted ito.

Nasa stable na kondisyon na ang dayuhan at iniimbestigahan na ang kaso.

AUTHOR PROFILE