Guest

Komedyante, umiiwas sa dating manager

August 30, 2023 Jun Nardo 143 views

UMIIWAS ang isang komedyante na kausapin ang isang may name na personality na naging bahagi ng kanyang career.

Eh, dating manager ng komedyante ang personality.

Naging bahagi ang komedyante ng isang kontrobersiya kung saan nalipat ang loyalty ng komedyante sa isang panig na hindi sinuportahan ng dati niyang manager.

Kumbaga, parang alam na ng komedyante ang saasabihin sa kanya ng dating manager kaya kung hindi man umiiwas, eh, ayaw niyang kausapin ang manager na malaki ang naging parte sa career niya.

BAGONG JAPANESE RESTO BRANCH, MAGBUBUKAS

MAGBUBUKAS ang pinakamalaki at bagong branch ng Japanese resto na Botejyu ngayong Huwebes sa Robinsons Antipolo.

Yes, ang Botejyu Antipolo na byword na rin sa pressccons ng Viva, eh, mula sa Viva Foods at ito ang 70th branch ng resto sa bansa.

Taong 1946 nagsimula sa Osaka ang brand at ngayon ay isang global chain na nga.

Ang branch sa Antipolo ay may 188 seating capacity at ang pupunta ay feeling Japanese dahil sa interior nito na pinagsamang classic Japanese minimalism with modern elements.

Dahil malapit na ang holidays, swak na swak ang Botejyu upang magsama-sama at magsalu-salo ang magkakaibigan at magpapamilya.

Paborito ring food store ng Viva celebs at iba pa ang Botejyu, huh!

AUTHOR PROFILE