Video City

KISSING SCENE SA THROWBACK MOVIE, PINAAABANGAN NINA RURU AT YASSI

September 6, 2023 Jun Nardo 250 views

BACK to the ’90s ang reunion movie nina Yassi Pressman at Ruru Madrid na Video City: Be Kind Please Rewind ng Viva Films at GMA Pictures.

Kaya naman ‘yung suot ni Ruru sa presscon ng movie, throwback ang dating kahit na nga wala pa yata siyang gaanong muwang nang sumikat ang video rental store.

Teenager pa lang sina Ruru at Yassi nang magkasama sa GMA series na Dormitoryo. Ngayon, bukod sa Video City, si Yassi rin ang kapareha ni Ruru sa bagong GMA series niyang Black Rider.

‘Yun nga lang, nang tanungin namin ang dalawa kung may kissing scene sila sa Video City, standard ang naging sagot nila na, “Abangan na lang ninyo!”

Hinawakan kaya ni Ruru si Yassi sa legs habang break sa shooting ng Video City?

Ang paghawak kasi sa legs niya ng isang Bicol official ang laging itinatanong kay Yassi tuwing spotted siya sa mga okasyon nitong nagdaang mga araw, huh!

AUTHOR PROFILE