Kiray

Kiray at Kuya Kim, biktima ng identity theft

July 21, 2023 Jun Nardo 523 views

BIKTIMA ng hacking ang komedyanteng si Kiray at TV personality na si Kuya Kim Atienza.

Nagawa pang manloko ng hacker ni Kiray na nagtinda pa online at may drama pang face reveal, huh! Nawindang si Kiray sa ginawa ng hacker kaya naman agad siyang nagpatulong upang pakalatin na na-hack ang social media accounts niya.

Ang hacking ang dahilan kaya nakibahagi si Kiray sa creative call ng Globe na “Number Mo, Identity Mo,” lalo na’t magtatapos na sa July 25 ang deadline sa SIM Registration Act.

Sa nangyari kay Kiray, patunay na totoo ang online identity theft. Kaya nanawagan ang Globe na iparehistro na ang mga SIM card na bahagi na ngayon ng buhay ng tao.

“At least, nakapahinga ako nang three days sa socmed dahil sa hacker! Kaya ang nanay at tatay ko, talagang pinag-iingat ko lalo na’t walang masyadong alam ang seniors sa digital world,” pahayag ni Kiray sa Zoomcon ng campaign ng Globe.

Sa nasabing campaign, pinaalalahanan ang lahat sa laban sa online scams lalo na ang lahat ng readers ng People’s Tonight.

AUTHOR PROFILE