Kira Kira Balinger

Kira naka-move on na sa isyu nila ni Kelvin: ‘Hindi imposibleng ma-in love kami’

May 31, 2024 Eugene E. Asis 480 views
Kelvin
Kelvin Miranda

NAPAKAGANDA ng pelikulang ‘Chances Are, You And I’ na tinatampukan nina Kira Balinger at Kelvin Miranda.Ito rin ang opinsyon ng mga nakapanood dito sa premiere night na ginanap sa SM Megamall. Kitang-kita ang magandang chemistry ng dalawang artista ng pelikula.

At tila wala na nga ang isyu na namagitan sa dalawang lead stars na naganap noong isang taon. Inakusahan kasi si Kira na siyang third party sa paghihiwalay nina Kelvin at dating giorlfriend nito na si Roselle Vytiaco, isang commercial model.

“Hindi po ako third [party]. Kung ano man po yung napag-usapan nilang dalawa, wala na po ako doon. Pero ako, from a woman to another woman, I understand that pain. Pero from my point of view, wala po akong alam, and I’m confident to say na hindi ako kabit gaya ng sinasabi ng lahat,” ani Kira sa isang interbyu.

Muling nabuksan ang isyu sa mediacon ng naturang perlikula sa Valencia compound ng Regal Entertainment (na siyang distriobutor nito). Nang tanungin kay Kira kung ano ang nararamdaman niya, sinabi niyang “Of course, I think it was unfair. Those were private conversations na dapat hindi luma;labas sa social media.”

Ayon kay Kira, matagal na yun at nakapag-move on na siya.

Aniya, hindi naman niya alam na nasa isang relasyon si Kelvin habang ginagawa nila ang pelikula.

“Siyempre when I was first interviewed about it, I was upset. But ngayon, the water is not boiling anymore, maayos na, nakapag-move on na kaming lahat. At masaya na, I’m okay.”

At kahit na nga lumabas ang naturang isyu habang ginagawa nila ang pelikula, hindi naman siya napaapekto.
namin naman ni Kelvin na talagang na-confuse siya habang ginagawa nila ang ‘Chances Are, You and I”. Bagama’t inamin ni Kelvin na talagang hindi niya niligawan si Kira, may mga pagkakataong nalilito na siya sa tunay na nararamdaman niya para sa aktres.

“Yes, confused ako sa reality, kung totoo ba lahat ng nararamdaman ko or is it just because of my character. I don’t know, pero isa lang ‘yung gusto ko linisin sa isyu na ito,” ayon kay Kelvin..

Pagdidiin ni Kelvin: “Alam din ni Kira, hindi po kami naging kami, para linawin po ang isyu. Wala pong ligawan nangyari.”

Pero nauunawaan naman ni Kira ang damdamin ni Kelvin. Aniya, hindi talaga imposible na ma-in love ang isa’t isa laluna kung ganito kaganda ang kuwento ng pelikula.

Bagama’t wala pang pinal na pahayag, nagparamdam ang producer ng Pocket Media Productions na producer ng pelikula na may posibleng pangalawang project kina Kira at Kelvin matapos makita ang malakas na chemistry nila onscreen.

AUTHOR PROFILE