Default Thumbnail

KINASUHAN DAHIL ‘BASTOS’

October 10, 2023 Edd Reyes 175 views

TINULUYAN na ng 40-anyos na ginang ang kanyang pinsan na madalas bumastos at magsalita ng hindi maganda laban sa kanya, matapos ireklamo sa pulisya Lunes ng gabi sa Malabon City.

Kaagad namang nadakip ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang pinsan ng ginang na amoy alak pa nang dalhin sa Police Sub-Station 6 dakong alas-9 ng gabi, matapos mangyari ang pambabastos sa bahay ng biktima sa Gen. Luna St., Barangay San Agustin.

Sa report ng mga tauhan ng Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), kadarating pa lamang ng biktima sa kanilang bahay nang pagsabihan ng malalaswa at bastos na pananalita ng lasing na suspek.

Sa reklamo ng ginang kay P/SSg. Mary June Belza ng WCPD, madalas umanong gawin sa kanya ng pinsan ang pambabastos sa tuwing malalasing na kanya na lamang pinalalagpas upang walang gulo.

Gayunman, sobra na aniya ang malalaswa at sobrang kabastusang sinasabi sa kanya na hindi na niya kayang sikmurain, kaya’t gumawa na siya ng hakbang upang ipakulong ang pinsan.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 1131 o Safe Spaces Act, na kilala bilang Bawal Bastos Law.

AUTHOR PROFILE