Kim

KimPau nagpakilig ng fans sa Dubai

June 10, 2024 Vinia Vivar 112 views

Kinilig nang bonggang-bongga ang mga dumalo sa presscon nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Dubai dahil sa mga sagot ng dalawa sa mga katanungan ng press.

Nasa Dubai ang KimPau para sa Kapamilya Kalayaan Karavan concert ng ginanap nitong Linggo.

Sa video na in-upload ng mga vlogger na nasa mediacon ay mapapanood ang Q&A segment kung saan nga ay sinagot ng KimPau ang mga tanong sa kanila.

Isa sa mga ito ay pinadugtungan sa kanila ang linya na “malaya na ako sa…”

Sagot ni Kim, “Malaya na ako sa siyempre, negativity.”

Sigawan ang mga taong naroroon.

Sey naman ni Paulo, “’Yun na rin po, naunahan niya lang ako. Wala na po akong ibang maisip.”

Bukod dito ay nakuhanan din ng video ang KimPau na sabay na nagdya-jogging noong umaga. Mapapanood na parehong nakasuot ng all-black ang dalawa habang tumatakbo. Maraming fans ang bumabati sa kanila na ina-accommodate naman nila.

Samantala, bago umalis si Kimmy patungong Dubai ay nag-renew siya ng kontrata bilang brand ambassador ng Sisters Napkins and Pantyliners by Megasoft Hygienic Products Inc.

Pinangunahan ni Megasoft Vice President Aileen Choi Go ang renewal ng kontrata kasama si Kim sa Romulo’s Café.

Kasabay ng contract renewal ni Kim ang paglulunsad ng bagong pakete ng Sisters Napkins and Pantyliners, gayundin ang pagdiriwang ng ika-24 na anibersaryo ng kumpanya.

Sa tanong kung bakit piniling ipagpatuloy ng Megasoft ang pagiging ambassador ni Kim, pahayag ni Aileen, “Kim kasi has the values that Sisters celebrate. She’s very hard working — as seen from her projects, but at the same time, we see her fun side. She’s also very grounded and never forgets to take care of herself. (These are) admirable qualities that we all look up to in a sister.”

Nagpahayag din si Kimmy ng pasasalamat para sa renewal.

AUTHOR PROFILE