Kim

Kim waging Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards

July 28, 2024 Vinia Vivar 244 views

Pinatunayan ng solid fans ni Kim Chiu ang kanilang lakas dahil ang kanilang idolo ang nanalong Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards 2024 para sa teleseryeng “Linlang.”

Ang winner para sa nasabing kategorya ay binase sa isinagawang global poll sa Idol Champ app mula June 15 hanggang July 14.

Tinalo ni Kim ang lima pang sikat na artista mula sa iba’t ibang Asian countries.

Ibinahagi ng aktres sa Instagram ang invitation na natanggap mula sa SDA organizers na nagsasaad na siya ang nanalong Outstanding Asian Star.

Sa kanyang caption, sinabi ni Kim na hindi siya makapaniwala na siya ang nanalo at nagpasalamat sa kanyang mga supporter, gayundin sa ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.

“I got the news today! I am lost for words… beyond thankful, grateful, and extremely happy!!! I can’t believe this is happening. Thank you to #SeoulDramaAwards2024 thank you, ABS-CBN @dreamscapeph , and most especially to my lovely supporters for all the unconditional love, support, time, effort, and much more. I am very lucky to have you all behind and beside me. Thank you for making this possible!” pahayag ni Kimmy.

“My heart is full!!! MARAMING MARAMING SALAMAT PO! KOREA HERE I COME! Sa SOUTH HA? Hihi @seouldramaawards “PHILIPPINES REPRESENT! #ForeverGrateful #Deceit #Linlang #JulianaMadeItToKorea,” sey pa niya.

Sa comment section ay dumagsa ang pagbati kay Kim ng kanyang fans, mga kaibigan at kasamahan sa industriya kabilang na sina Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Bela Padilla, Iza Calzado, Yassi Pressman, Melai Cantiveros at iba pa.

Gaganapin ang Seoul International Drama Awards 2024 awarding ceremony sa September 25 sa KBS Hall, Seoul, South Korea.

JOLENS, ANTOINETTE AT AUBREY GINAMIT NG SCAMMER

Sa gitna ng kalamidad ay nagagawa pang manloko ng ibang tao at pagsamantalahan ang ating mga kababayan.

Isa sa mga naging modus operandi ng mga manloloko at scammer ay ang magpanggap na artista para makapanghingi ng pera at ang palabas nila ay gagamitin ito para sa mga nasalanta ng bagyong Carina.

Ang ilan nga sa mga naging biktima ay sina Jolina Magdangal, Aubrey Miles at ang dating aktres na si Antoinette Taus.

Ang poser ni Jolina ay muntik pang mabiktima si Ice Seguerra. Mabuti na lang at nag-tsek muna ang OPM singer kung talaga ngang si Jolens ang nag-message sa kanya para maghingi ng pera.

Ibinahagi ni Jolens sa kanyang Instagram account ang mga mensaheng ipinadala ng kanyang poser sa mga kapwa niya artista at binalaan ang publiko na hindi siya ang nanghihingi ng donasyon.

“SCAMMER!!! PLEASE SA LAHAT PO NG NAKATANGGAP O MAKAKATANGGAP NG MESSAGE FROM ME NA GANITO, HINDI PO AKO YAN! AGAIN, HINDI PO AKO YAN, HINDI KO NUMBER ANG 0956-4808804. PLEASE WAG KAYO MAG SEND NG PERA,” ang caption ni Jolens.

Ni-repost din ni Jolina ang post ni Antoinette na ginagamit din ang pangalan nito para makapanghingi ng pera.

Hinala niya ay iisang tao lang ang poser nila dahil pareho ng contact number.

“Nakita ko ito sa post ni @antoinettetaus, i guess isang tao lang yung gumamit ng name ni Antoinette at name ko. Yung number kung saan pinapasend ni scammer ay yung number na ginamit sa name ko. May dalawang sim si scammer, 0956-4808807 at 0956-4808804. Hindi na ako magtataka kung hindi lang dalawa ang sim na binili nya para MAKAPANLOKO!!!” sey ni Jolens.

Ganito rin ang nangyari kay Aubrey kaya ipinost din niya ang mga mensahe ng kanyang poser sa mga kaibigan niya at nagbigay ng babala sa scammer.

“BEWARE!! This is NOT ME. Poser/ Scammer asking for help. HOY tumigil ka nga! Dami ng problema sa pilipinas nakikisali ka pa eh. Alam mong madali ka naming mahahanap, kaya ngayon palang mag hanap ka ng trabaho! Wag manloko at wag tatamad tamad. +63 956 480 8845 and 09304500726 these are not my contact #,” saad ni Aubrey.

AUTHOR PROFILE