
KIM, NANGANGANIB MA-‘TULFO’
“Hate that I love” ang deskripsyon ni Kim Chiu sa hate comments na natatangap niya ngayon dahil sa pagganap niya bilang cheating wife na si Juliana hit digital series na Linlang.
“Ito ‘yung masasabi kong ‘hate that I love,’ ‘yung hate messages that I love. Kasi, siyempre, sa career ko, sa social media platform, hindi naman malabo na naba-bash ka, eh.
“Lalo na nu’ng 2020, ‘huy, sandali lang,’ umalis na ako ng Pilipinas. ‘Yun, ayoko talaga ‘yun,” pahayag ni Kimmy sa thanksgiving mediacon ng Linlang.
Ang tinutukoy ng aktres ay nu’ng na-bash siya nang bongga dahil sa ‘bawal lumabas’ remark niya noong pandemic.
Biro nga niya, “Ngayon, pwede na ‘kong lumabas.” Dahil nsa dami ng naiinis sa kanyang karakter, pati raw siya ay tutol din naman sa pinaggagawa ni Juliana.
“Naiinis din ako sa kanya. Actually, habang ginagawa ko siya, kaya nga kalaban ko lagi ‘yung sarili ko. Kasi ‘pag umaarte, parang ‘ito naman, mali ka na nga, aanuhin mo pa,’ ganyan, ‘nakakasakit ka na pero itutuloy mo pa rin.’
“Pero syempre, kailangan kong maniwala sa ginagawa ni Juliana para ‘pag inarte ko siya, magagalit na talaga kayo,” she said.
Masayang-masaya rin si Chinita Princess sa iba’t ibang meme na naglalabasan tungkol sa kanyang karakter, at ang iba’y gusto pa siyang ipa-Tulfo.
Kaya naman sobrang thankful ng aktres dahil ibig nga lang namang sabihin nito ay super-effective ang kanyang portrayal.
Kasama ni Kim sa Linlang sina Paulo Avelino at JM de Guzman, na napakahusay din sa kani-kanilang karakter, kaya naman hindi nakapagtataka na most viewed ang serye sa Prime at nasa top 10 series sa 10 countries.