
Kim may Pinoy touch ang gown sa Seoul Drama Awards
Matapos dumalo sa ContentAsia Awards 2024 sa Taipei, Taiwan last Sept. 5, biyaheng South Korea naman si Kim Chiu para sa Seoul Drama Awards 2024.
Dadalo si Kimmy sa katatapos na SDA dahil isa siya sa recipients ng Outstanding Asian Star Award na base sa fan votes.
Siya ang nanalo sa Pilipinas at kasama rin niyang tatanggap ng award ang iba pang celebrities from other Asian countries na sina Byeon Woo-seok at Kim Hye-yoon from “Lovely Runner” of South Korea, Siti Saleha from Malaysia, Desmond Tan from Singapore, Ochi Rosdiana from Indonesia at Win Metawin Opas-iamkajorn from Thailand.
Sa interview ni MJ Felipe ay sinabi ng aktres na bilang fan din siya ng Korean drama, siyempre ay excited siya na dumalo sa SDA na dati ay pinapanood lang niya sa YouTube.
“Excited, of course, kasi fan ako ng mga Korean dramas, and pinanood ko sa YouTube kung ano ang mangyayari diyan sa Seoul Drama Awards. So excited ako maka-meet ng mga Korean stars more than the award. Joke lang!” sabi ni Chinita Princess.
Ngayong Sept. 25 gaganapin ang awarding ceremony at rarampa si Kim sa purple carpet. Ngayon pa lang ay inaabangan na ang kanyang outfit at sey ng aktres, siyempre ay may Pinoy touch ang kanyang gown.
“Siyempre magre-represent tayo ng Filipino outfit, kasi iba-ibang countries, so meron tayong Filipino touch,” ani Kim.
FARM IPINANGALAN SA INA
Ipinangalan ni Angelica Panganiban sa inang pumanaw ang farm nila ng mister na si Gregg Homan.
Ayon sa aktres sa latest vlog nilang mag-asawa, Ebela’s Farm ang name ng kanilang farm in memory of her mom na si Annabelle “Ebela” Pangilinan.
Matatandaang pumanaw si Mommy Ebela nitong August 20.
Sa bagong vlog na in-upload ni Angelica ay mapapanood ang double birthday celebration ng asawang si Greg at anak nilang si Amila na ginanap sa Ebela’s Farm.
“We’re here at Ebela’s Farm. Ipinangalan namin kay mama ang farm, para bang kasama pa rin namin siya. Since hindi pa namin mapatayuan ng building si Ebela (na) Ebela’s Building, Ebela’s Farm muna,” sabi ni Angelica.
Aniya pa, “Sa mga hindi nakakaalam, si Ebela is my mom who passed away (on) August 20th. So medyo sudden ang kanyang pang-iiwan sa atin, pero ganoon talaga.”
Sey pa ni Angelica, nagpahinga sila for a while dahil sa pangyayari at ngayon lang ulit bumalik sa social media.
“Nagpahinga kami dahil sa mga kaganapan recently. But life goes on. Kailangan namin i-celebrate ang life. Birthday na ni Amila. Birthday na rin ni Greg. So, both September celebrants sila kaya nag-decide kaming mag-celebrate dito sa farm. Maliit na celebration lang with family and mga kaibigan lang ni Gregg,” sey ng aktres.
Sa nasabing selebrasyon ay dumating si Direk Andoy Ranay, ninong ni Amila at matalik na kaibigan ni Angelica.