
Kim, kinilig mag-judge sa ‘Drag Race PH’ season 2
MAY katwiran namang kiligin ang Viva artist na si Kim Molina sa pagkakapili niya bilang isa sa guest judges ng second season ng Drag Race Philippines dahil bukod sa bagay sa kanya ang show, eh, puro bigating personalidad pa ang makakasama niya rito.
Nariyan ang Fil-Am internet star na si Bretman Rock, sina Maricel Soriano, Anne Curtis, Gloria Diaz, Thai drag queen Pangina Heals, Tessa Prieto, Almira at Mylene Cercado ng 4th Impact.
Sa kalalabas na trailer, si Paolo Ballesteros pa rin ang tatayong main host habang ng mga magku-compete naman ay sina Arizona Brandy, Astrid Mercury, Bernie, Captivating Katkat, DeeDee Marié Holliday, Hana Beshie, Matilduh, M1ss Jade So, Nicole Pardaux, ØV C–T, Tiny Deluxe at Veruschka Levels.
“BOOGSH! So kilig to be one of the guest judges for DRAG RACE PHILIPPINES Season 2! This is gonna be faaaabulous! Watch out for our episode!” Instagram post ng isa sa mga bida ng sitcom na Team A ng Viva TV na nasa 2nd season na rin at napapanood sa TV5 tuwing Sabado, 6 p.m.
Ang Drag Race Philippines season 2 ay magsisimula sa Aug. 2.
Heaven, nagpa-tattoo ng ‘found,’ ‘surrender’ at ‘forward’
MEMORABLE para kay Heaven Peralejo ang solong pagbiyahe sa Bali, Indonesia at minarkahan niya ito sa pagpapalagay ng tatlong tattoo na ang ibig sabihin ay “found,” “surrender” at “forward.”
Sa Instagram post ng leading lady ni Marco Gallo sa movie na The Ship Show at romance anthology na For the Love sa TV5, ipinaliwanag nito na, “The word ‘found’ serves as a constant reminder of this whole experience. In a country unknown to me, I learned to embrace my own company and appreciate the freedom of exploring on my own.
“Second, Bali taught me the power to ‘surrender.’ Letting go of my need for perfection and careful planning, I allowed myself to immerse in the beauty of spontaneity. Each day, I learned to trust the magic of what lays ahead of me.
“Lastly, the word ‘forward’ symbolizes my commitment to never dwell in the past. It embodies forgiveness and self-love, urging me to appreciate every moment and keep moving forward. It serves as a reminder to cherish life’s experiences and keep exploring the wonders and beauty of the world we live in.
“These 3 tattoos represent the impact Bali has had on my journey of self-discovery. They remind me the importance of finding oneself, surrendering to life’s flow, and to always move forward with love and forgiveness,” dagdag pa niya.
TVJ, legit Dabarkads at Tony Tuviera, muling nagsama-sama
MULING nasaksihan ng publiko ang pagsasama-sama ng TVJ, legit Dabarkads at dating TAPE, Inc. president Antonio “Mr. T” Tuviera sa katatapos na kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na ginanap sa Baguio City noong Biyernes, July 28.
Gaya nina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Migs Zubiri, tumayo ring ninong ang TVJ at si Mr. T sa ArMaine couple.
Para sa marami, patunay ito kung gaano ka-solid ang nabuong pagkakaibigan nina Tito, Vic at Joey, pati na ang direktor ng original Eat Bulaga at ngayo’y E.A.T. na si Direk Poochie Rivera at TVJ Productions officer-in-charge of production na si Jeny Ferre, at Mr. T.
Sa okasyong iyon, na ginanap isang araw bago ang 44th year ng longest-running noontime show at ang tinawag na “14344: National Dabarkads Day,” naisantabi ang anumang kontrobersiya na sumubok sa pagsasamahan ng mga nabanggit na personalidad.
Katunayan, ipinost pa ni Miles Ocampo ang isang litrato kung saan makikitang sama-samang nakangiti sina Direk Poochie, Joey, Mr. T at Jeny.
Matatandaan na nu’ng kainitan ng pagkalas ng TVJ sa TAPE, Inc., nanatiling tahimik si Mr. T habang nasa bakasyon sa Japan para i-celebrate ang birthday ng misis na si Madeleine.
Walang anumang sagot na narinig mula sa kampo ng magpahanggang ngayon ay 25 percent shareholder ng TAPE, Inc.
Tanging ang anak niyang si Direk Mike Tuviera ang nahagip ng entertainment press para hingan ng reaksyon sa kaguluhang naganap sa Eat Bulaga.
Base sa panayam kay Direk Mike, ikinalungkot ni Mr. T ang pangyayari gaya ng nakararaming fans ng TVJ at Dabarkads.
Pero naka-cope naman daw ito sa suporta’t pagmamahal ng pamilya.
Ngayong retired na nga si Mr. T bilang TAPE, Inc. president, ayon pa kay Direk Mike, ginugugol na lamang nito ang libreng oras sa pakikipag-bonding sa pamilya, lalo na sa kanyang mga apo.