
Kim, Jerald dinog show ng netizens
IBA’T ibang pakulo ang ginawa ng netizens sa real-life partner na sina Kim Molina at Jerald Napoles.
Sa isang Facebook post, nag-upload si Kim ng larawan nila ni Jerald kung saan ay nakabihis sila bilang Wednesday Addams at Thing mula sa sikat na series na “Wednesday” bilang kanilang Halloween costume ngayong taon.
Nakipagkulitan naman sina Kim at Jerald sa pamamagitan ng pagpapa-edit ng kanilang larawan sa netizens.
“Pa-EDIT PO! Gusto ko lang naman maging WEDNESDAY ADDAMS ngayong Halloween. Kayo na bahala saan niyo kami ilagay,” ani Kim. “KAYO NA BAHALA SAAN NIYO KAMI ILALAGAY NA BACKGROUND 😂 Compile ko lahat. Pa-wittyhan. Good vibes only! Happy Halloween! GO!”
Natuwa naman si Kim sa mga pangdodogshow ng netizens. Sa edit ng netizens, makikita ang nakakatuwang edit tulad na lamang ng pagkakabit ng hagdan kay Jerald upang “hindi mangalay.”
Mayroong namang edit na ginagawang “Ash Wednesday” ang kanilang larawan at iba pang nakakatuwang edit.