Kim

Kim di nagdadala ng problema sa trabaho

July 7, 2024 Vinia Vivar 483 views

Ibinahagi ni Kim Chiu sa bagong show ni Melai Cantiveros kung paano niya hina-handle ang breakups.

Aniya, hindi niya dinadala ang kanyang mga personal na problema sa trabaho kaya hindi nakikita ng tao na malungkot siya.

“Hindi, kasi hindi naman ako lalabas na sad na umiiyak ka, na kuan ka,” sey ni Kimmy.

“Meron kasing nagsabi sa akin, na huwag kong dalhin ‘yung personal kong problema sa harap ng maraming tao. Kasi, hindi naman ako ma-explain ang sarili ko kung anong nangyayari sa akin, ang i-explain ko sa’yo, ‘Uy, etong nangyari sa akin,’” dagdag niya.

Sinunod daw niya ang payo sa kanya kaya talagang kapag nasa trabaho siya, hangga’t maaari ay hindi niya ipinapakita na may dinadala siyang problema sa puso.

“Ang daming tao sa buong Pilipinas, na nanonood ng TV sa’yo, kahit saan ka nila pinapanood, hindi ko ma-explain ang sarili ko. So sarilinin ko na lang ‘yung pinagdadaanan ko na hirap, ako na lang ako.

“Kunwari sa Showtime, tatlong oras lang ‘yan, tatlong oras lang na tawanan, may 24 hours sa isang araw so puwede na akong bumalik sa sarili ko, ganyan hindi ko dadalhin ang problema sa trabaho,” aniya.

“Pero ang importante rin na mayroon kang kausap, para hindi ka mabaliw,” sambit pa ni Kimmy.

Para sa aktres, totoo ang kasabing “experience is the best teacher.”

“I-feel mo lang tapos hindi mo i-deny, hindi mo i-kuan tanggapin mo na ganu’n talaga ang nangyari hindi mo kasalanan, hindi rin kasalanan nu’ng lalaki or ng kahit sino, walang may kasalanan.

“Nangyari lang talaga siya, kasi hindi ka pa pinapanganak ‘yun na ang sinulat ng Diyos. So God’s will ang lahat ng nangyayari sa’yo. Okay lang tanggapin, magpasalamat ka sa pain, sa happiness and all, pero wala kang galit sa kahit sino,” payo ni Kim.

AUTHOR PROFILE