Kira

Kelvin at Kira inamin ang naudlot na relasyon

May 14, 2024 Vinia Vivar 117 views

Inamin nina Kelvin Miranda at Kira Balinger na nagkaroon sila ng feelings sa isa’t isa habang ginagawa ang rom-com film nilang Chances Are, You and I noong panahon ng pandemic.

Matatandaan na naging kontrobersyal sina Kelvin at Kira noong 2022 nang ibunyag ng ex-girlfriend ng aktor na may namamagitan sa dalawa.

Sa grand medicon ng Chances Are, You and I last Monday, nilinaw ng dalawang lead stars na hindi naging sila. Pero aminado sila na nakaramdam sila ng ‘something’ para sa isa’t isa.

Ayon kay Kelvin, dala na rin ng character na pino-portray nila sa movie na so much in love sila, hindi maiwasang may maramdaman din siya in real life for Kira and that made him confused.

“Yes, confused ako sa reality — kung totoo ba lahat ng nararamdaman ko or is it just because of my character. I don’t know, pero isa lang ‘yung gusto ko linisin dito sa isyu na ito. Alam din naman ni Kira, hindi po kami naging kami, para linawin po ang isyu. Wala pong ligawang nangyari,” sabi ni Kelvin.

Aniya pa, “Hindi po kami natuloy, wala po kaming naging relasyon whatsoever, kung anuman ang iniisip n’yo.”

Natanong si Kira kung sa pakiramdam ba niya ay pinaasa siya ni Kelvin, sagot ng aktres, “Honestly, no. I don’t believe na pinaasa ako ni Kelvin. I don’t believe that that was ever his intentions.”

Dagdag pa niya, “Kasi he was just being truthful in his character and like I said a while ago, things happen na hindi natin inaasahan. So, no, I don’t feel na pinaasa ako.”

Asked kung may naramdaman din ba siya that time kay Kelvin, nagpakatotoo rin ang aktres.

“To be truthful din, I can’t lie to you again, and mayroong ‘onti, siyempre. Very charming naman si Kelvin and like I said a while ago, the nature of our movie is a love story. We have to interact in such a way na nakaka-fall talaga,” pahayag ni Kira.

Kung bakit hindi nagtuluy-tuloy sa isang relasyon ang kanilang naramdaman, ayon kay Kelvin, may mga sarili silang problema that time at maraming kailangang ayusin.

“And we think, hindi siya magwo-work nu’ng time na ‘yun kasi marami kaming kailangang unahin, asikasuhin at tapusin sa mga bawat episode ng buhay namin sa bawat isa.

“Kaya feeling namin, ‘di magwo-work. And alam namin ‘yun sa isa’t isa at malinaw sa amin na hanggang du’n lang ‘yun,” paliwanag ni Kelvin.

Sa ngayon, better off daw sila as friends although pareho silang single ngayon. Focused muna sila sa promo ng movie at masayang-masaya raw sila na finally, after three years ay mapapanood na ng mga tao ang kanilang pinaghirapan.

“Ang tagal na ng hinintay namin, hindi namin alam kung kailan mangyayari ‘to, kung may pagkakataon pa, hindi ko nga alam kung matutuloy pa ‘to nu’ng na-hold kami, pero sa tiwala namin, natuloy na siya,” sabi ni Kelvin.

Mula sa direksyon ni Catherine Camarillo at produced ng Pocket Media Productions, Inc., mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang Chances Are, You and I sa May 29. Magkakaroon din ito ng premiere night sa May 28 sa SM Megamall.

Isa pang ikinatutuwa ng buong cast and production team ay napili ang pelikula as one of the Spotlight Entries sa May 25-26 sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.

AUTHOR PROFILE