Bangkay Ang nakahandusay na biktima habang binibigyan ng first aid ng mga rumespondeng medic matapos matumbok ng isang rider sa Pandacan, Manila.

Kelot tumawid sa flyover, umabot sa kabilang buhay

October 7, 2024 Jonjon Reyes 308 views

PATAY ang 58-anyos na lalaki makaraang mabundol ng motorsiklo habang tumatawid sa Paco-Sta. Mesa flyover sa Pandacan, Manila noong Linggo.

Nakilala ang biktimang si Rodolfo ng Jesus St., Pandacan, Manila.

Nahaharap sa kasong homicide ang rider na nakilalang si Moises, 49, ng Tejeron St., Brgy. 781, Sta. Ana, Manila.

Ayon kay Police Staff Sergeant Genesis Flagne, bandang alas-8:30 ng gabi ng maganap ang aksidente.

Habang tumatawid ang biktima nasagi siya ng rider at tumilapon ng ilang metro dahil sa lakas ng impact.

Tumama ang ulo ng biktima sa semento subalt dakong alas 1:42 ng madaling araw idineklarang patay sa Philippine General Hospital.

AUTHOR PROFILE