
Kelot timbog sa pagnanakaw
SWAK sa selda ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14 ang isang 39 anyos na binata dahil sa pagnanakaw sa Padre Noval Street, Sampaloc, Manila Biyernes ng hapon
Nakilala ang suspek target na si Jayson Gutierrez, walang trabaho, ng Dapitan St. corner Cristobal St., Sampaloc, Manila.
Pinangunahan ni Police Captain Laureano Daligdig, hepe ng Warrant Section ng MPD ang pagpoposas sa suspek bandang alas-3 ng hapon.
Inaresto si Gutierrez sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Janice Rojas Yulo, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 16 ng Manila dahil sa qualified theft.
Pinayagan ng korte na makalaya ang suspek kung makapaglalagak ng P30,000 piyansa.