
Kelot timbog sa P10M shabu sa Novaliches
NAKUMPISKA ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang P10,200,000 halaga ng shabu sa isang drug suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Novaliches Police Station (PS 4) Biyernes ng madaling araw sa Novaliches, Quezon City.
Ayon sa ulat ng PS 4 a pamumuno ni P/Lt. Col. Von June Nuyda, ang suspek ay pawang residente ng Bgy. San Bartolome, Quezon City.
Isinagawa ang buy-bust operation dakong ika-2:00 kaninang madaling araw, Agosto 12, 2022, sa Carlos St., Montville Place Subdivision, Bgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City, makaraang ipagbigay-alam ng isang confidential informant ang pagbebenta ng ilegal na droga.
Isang undercover na pulis ang nagpanggap na buyer at sa ibinigay na pre-arranged signal ay naaresto ang mga suspek.
Nasamsam ang 1.5 kilograms na shabu na nagkakahalagang P10,200,000, isang digital weighing scale, buy-bust money at ang cellphone na ginamit sa transaksyon.
Batay pa sa imbestigasyon, ang suspek ay dati ng may kaso kaugnay sa ilegal na droga at robbery hold-up.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.