Posas

Kelot tiklo sa rape, acts of lasciviousness

December 28, 2023 Jojo C. Magsombol 170 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Arestado noong Martes ng mga otoridad ang isang suspek sa panghahalay sa Aquarius St., Bancov, Brgy. Gulod Malaya, San Mateo, Rizal.

Nakilala ang natiklo na si alyas Stanley, ayon sa report ni Rizal Police Provincial Office (RPPO) Director P/Col Felipe Maraggun kay Calabarzon Police Regional Office chief Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas.

Natiklo ang suspek ng tracker team ng Antipolo Police bandang alas-5:37 ng hapon.

Nahaharap si alyas Stanley sa 9 na count ng acts of lasciviousness at 5 counts ng statutory rape.

Natiklo siya sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Maribeth Rodriguez Manahan ng Regional Trial Court Branch 175 ng San Mateo, Rizal.

Maaring makalaya pansamantala ang suspek kung makakapag-piyansa ng P180,000 sa bawat isa sa 9 na count ng acts of lasciviousness pero walang inirekomendang piyansa para sa statutory rape.

AUTHOR PROFILE