Boga

Kelot sugatan sa pamboboga

April 22, 2025 Bernard Galang 114 views

SUGATAN ang isang driver noong Lunes ng barilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa Nueva Ecija.

Binaril ang biktima na si alyas Lorenzo, 41, sa Purok 1, Brgy. San Jose ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, ayon sa report kay Police Regional Office (PRO)-3 chief Brig. Gen Jean Fajardo.

Ayon sa mga residente, biglang dumating sa lugar ang dalawang suspek at maya-maya pa ay nakarinig na sila ng apat na putok ng baril.

Pagkatapos nakita nila ang duguang biktima na nakahandusay sa kalsada habang ang mga suspek tumakas patungo sa Gapan City.

AUTHOR PROFILE