Fire

KELOT SINILABAN SARILI, DEDO

November 27, 2023 Melnie Ragasa-limena 152 views

Sa CR ng bus terminal sa QC

NASAWI ang isang lalaki matapos umanong silaban ang sarili sa comfort room ng isang bus terminal sa Quezon City nitong Lunes ng umaga.

Ang 57-anyos na biktima ay isa umanong person with disability.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nangyari ang insidente sa comfort room ng isang terminal sa kahabaan ng Marcel Drive sa Barangay Sangandaan, pasado alas-kuwatro ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago umano mangyari ang insidente ay bumili ng isang galong gasolina ang biktima sa isang Petron gas station.

Ginamit niya umano ang gasolina para sunugin ang sarili.

Ayon sa isang caretaker, wala umanong trabaho ang biktima at wala rin itong tirahan kaya nakikisilong na lamang ito sa nasabing terminal sa loob ng 20 taon.