Crime

Kelot pinaulanan ng bala tigok

August 5, 2023 Jojo C. Magsombol 213 views

PATAY ang isang lalaki matapos paulanan ng bala ng mga hindi pa kilalang salarin sa Bgy. Ermita-Calzada, Balayan, Batangas.

Ayon sa Balayan police, bumaba ng kanyang motorsiklo ang lalaki bandang 4:55 ng hapon noong Agosto 4 nang pagbabarilin ng mga suspek.

Walang sinabi anuman ang mga salarin bago pagbabarilin nang malapitan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Nagtakbuhan sa iba’t-ibang direksyon ang mga taong nakasaksi sa naganap na pamamaril.

Ayon sa mga bystanders, mabilis ang pangyayari at bigla na lang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.

Nakarekober ang mga imbestigador ng 11 basyong bala ng kalibre 45 at pitong slugs sa pinangyarihan ng krimen.

Mabilis na kumilos ang mga pulis at agarang nagsagawa ng operasyon para sa posibleng pagkakakilanlan at maaresto ang mga suspek.

AUTHOR PROFILE