Gomez Iniharap ni P/Lt. Col. Mike Gomez ang naarestong suspek sa pamamaril sa Tondo, Manila.

Kelot pinaghigantihan, binaril, sugatan; naghiganti, nakarma, huli

April 26, 2025 Jonjon Reyes 92 views

SUGATAN ang lalaki ng barilin ng pedicab driver na naaresto sa Brgy. 649, Baseco compound, Port Area, Manila noong Martes.

Nakilala ang suspek na si alyas Aljon, 27, habang ang biktima nakilalang si alyas Crisanto, ayon sa report.

Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, hepe ng Manila Police District-Baseco police station 13, bandang alas-2:00 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa tabi ng Benigno Aquino Elementary School.

Nag-ugat umano ang pamamaril sa paghihiganti dahil inakusahan ng suspek ang biktima ng pagnanakaw ng kanyang pedicab.

Naaresto ang suspek ng makasalubong ng mga awtoridad ang suspek dakong alas-4:45 ng umaga at narekober ang ginamit nitong na cal .38 caliber pistol na may tatlong bala.

Nahaharap sa mga kasong frustrated murder at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms Law and Ammunitions) at BP 881 (Omnibus Election Code) ang suspek.

AUTHOR PROFILE