Timbog

Kelot natimbog sa droga

January 19, 2024 People's Tonight 111 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Tiklo noong Miyerkules ng mga otoridad ang isang drug suspek sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa report ni Batangas police director P/Col. Samson Belmonte kay Calabarzon Police director P/Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, 49-anyos ang suspek, walang trabaho, tubong Tanauan, Batangas at residente ng Sto. Tomas, Batangas.

Natiklo ang suspek bandang alas-3:10 ng hapon ng mga tauhan ng Lipa City Police Station kasama ang 402nd Maneuver Company sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Isa sa tinututukan natin ngayon ang agarang pag-aresto sa mga most wanted at wanted persons.

Kaya hinihikayat po natin ang ating mga kababayan na ipagbigay alam sa amin ang anumang impormasyon na kanilang nalalaman tungkol sa kinaroroonan ng mga wanted persons,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE