Default Thumbnail

Kelot nakitang dedo matapos ang putok ng baril

June 29, 2024 Gil Aman 54 views

NAKITANG patay ang isang lalaki sa kanyang silid matapos umalingawngaw ang putok ng baril sa Brgy. Banay-Banay, Cabuyao City, Laguna noong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Domingo ng Blk 19, Lot 40, Matipid St., Katapatan Homes subdivision.

Isang saksi ang ipinalabas pa ng kuwarto bago nakitang patay ang huli.

Ayon sa pulisya personal na nagtungo ang saksi sa kanilang himpilan para i-report ang ginawa ni alyas Domingo.

Isang putok ang narinig ng saksi ng makalabas ng kuwarto. Nakitang patay si alyas Domingo matapos nito.

AUTHOR PROFILE