Knife

Kelot nakisakay sa trike, dinedma, nanaksak

August 1, 2023 Melnie Ragasa-limena 246 views

SUGATAN ang isang 18-anyos na binata nang saksakin ng kaniyang kaibigan at isa pang suspek matapos tanggihan na makisakay sa tricycle ang dalawa noong Lunes ng gabi sa Quezon City.

Nagtamo ng isang saksak sa likod ng katawan at patuloy na ginagamot sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Ronald Gabriel Mendoza, ng Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.

Nakatakas naman ang suspek na si Jerome Ancheta at isang hindi pa nakikilalang suspek.

Sa report ng Quezon City Police District Novaliches Police Station, nangyari ang insidente bandang alas 3:00 ng hapon sa FB De Jesus St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.

Bago mangyari ang insidente, nakasakay umano ang biktima kasama ang isang kamag anak na senior citizen sa tricycle nang lapitan ng dalawang suspek.

Nakiusap umano ang suspek na si Ancheta na makikisakay sila sa tricycle ngunit tumanggi umano ang biktima. Nagalit ang mga suspek at agad na pinagtulungang bugbugin ang biktima.

Hindi pa nakuntento ay bumunot si Ancheta ng patalim at sinaksak ang biktima.