Kulong ‘DI NA PO AKO UULIT–Mistulang maamong tupa ang feeling siga na lalaki matapos arestuhin at mabawi ng mga operatiba ng MPD ang hawak niyang sumpak sa Tondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Kelot nagwala habang may boga tiklop sa parak

June 2, 2024 Jonjon Reyes 110 views

TIKLOP sa mga parak ang lalaking feeling siga na nag-amok at at naghamon ng away habang may dalang sumpak sa panulukan ng Rodriguez at Younger Sts., Brgy. 131, Tondo, Maynila noong Sabado.

Kinilala ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code (Alarm and Scandal), Art 151 (Resisting Arrest), Republic Act 1059 (Comprehensive Firearms and Ammunition Law) at Attempted Homicide na si Edmar Dela Cruz, 22.

Batay sa ulat nina Police Corporal Frac Cedric Camacho at Patrolman John Errol Liwanag ng Smokey Mountain Police Community Precinct, bandang alas-2:45 ng hapon ng rumesponde ang mga pulis ng itawag ng mga barangay official ang pagwawala nito habang may sumpak.

Nagkaroon muna ng scuffle ang mga pulis at suspek bago na-pacify ang lalaki at isinuko ang kanyang sumpak.

AUTHOR PROFILE