Boga

Kelot na may shabu, boga timbog

April 21, 2025 Jojo C. Magsombol 158 views

NASAKOTE noong Huwebes ng mga pulis ang lalaking may pag-iingat na baril at droga sa Brgy. Munting Tubig, Ibaan, Batangas.

Sa report kay Batangas police director P/Col. Jacinto Malinao Jr., nadakip ang suspek na si alyas JunJun bandang alas-5:00 ng umaga para sa kasong paglabag sa RA 10591 at at RA 9165.

Nakumpiska sa suspek ang cal. 38 revolver, dalawang bala, tatlong gramo ng shabu na may tinatayang halagang P24,400, toother, weighing scale, aluminum foil, lighter at iba pang drug paraphernalia.

AUTHOR PROFILE