
Kelot kalaboso sa panghahalay
KALABOSO ang isang 34-anyos na lalaki matapos arestuhin sa Malabon City Jail sa Catmon, Malabon dahil sa panghahalay.
Kinilala ni MPD director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Alyas ‘Berto,’ 34, ng Letre Road, Brgy. Tonsuya, Malabon City.
Ayon sa ulat ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng DPIOU, naaresto si Berto ng mga operatiba ng MPD-DID 2 SMaRT sa pamumuno ni Police Maj, Edward Samonte bandang 7:30 ng gabi sa Malabon City Jail ng Barangay Catmon.
Walang inirekomendang piyansa kapalit ng pansamantalang kalayaan ng suspek.