![Suspek](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2024/01/Suspek.jpg)
Kelot dinampot dahil sa frustrated murder, isa pa dahil sa gahasa
ISANG 19-anyos na lalaki ang inaresto ng mga pulis ng Manila Police District Barbosa Police Station 14 dahil sa frustrated murder.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Romeo Estabillo, station commander, ang suspek na si alyas Kenjie ng Old Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila.
Naaresto ang binatilyo sa Old Antipolo St., Tondo bandang alas-8:00 ng gabi, ayon sa mga pulis.
Samantala, arestado rin si alyas Pepito dahil sa act of lasciviousness at panggagahasa sa Perla St., Tondo, Maynila noong Martes.
Base sa report, bandang alas-4:30 ng hapon nang damputin ang suspek nang inguso ng isang impormante.