
Kelot arestado sa pagmamaltrato
INARESTO ng mga pulis ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4 ang isang binata dahil sa paglabag sa Republic Act 9162 sa Violence Against Women and Children sa Ramon Magsaysay Boulevard malapit sa Pureza St., Sta. Mesa, Maynila noong Sabado.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Brillante Billiaoc, station commander, ang suspek na si Nathan, ng Ligata St., Sampaloc, Maynila.
Nasakote ang suspek bandang alas-2:45 ng hapon matapos na inguso ng isang impormante ang kinaroroonan nito.