KC

KC NAG-REACH OUT KAY SHARON

May 12, 2024 Vinia Vivar 194 views

Sa pagdiriwang pa rin ng Mother’s Day kahapon, nag-reach out si KC Concepcion sa kanyang ina at binati niya ito sa kanyang Instagram account.

Maramdamin ang naging mensahe ni KC kung saan ay ipinahayag niya ang pagmamahal at malaking utang na loob sa ina.

“To my beautiful mama, it’s your day. I pray for us to enjoy life’s pleasures and adventures together soon. You’re the first person I ever met, and ever loved, it’s because of you that I’m here today,” ang mensahe ni KC for Shawie.

Sinabi rin ng aktres na kung pwede lang ay ibibigay niya ang buong mundo sa ina.

“Trust in the way you raised me — I will always strive to make you proud and feel that having me was worth it. I love you. I wish I could give you the world so you wouldn’t have to worry about anything for another second. Happy Mother’s Day mama,” KC wrote.

Kamakailan lang ay sinabi ni Sharon sa isang panayam na ‘estranged’ na sila ni KC sa isa’t isa, which means hindi sila nagkikita o nag-uusap.

Kaya naman marami ang natuwa sa pagri-reach out na ito ng dalaga sa kanyang mommy dahil ibig lang sabihin ay nakikipag-ayos na siya rito.

Maging ang mga netizen ay naiyak sa very touching message ni KC for her mom

“Natulo luha ko while reading this… the bond of a mother and daugther is truly unbreakable,” komento ng isang netizen.

“So sweet of you KC…,” papuri ng isa pa.

AUTHOR PROFILE