Andrea Larawan mula sa IG/@bernardokath at @blythe

Kathryn taob kay Andrea — Cristy Fermin

November 27, 2023 People's Tonight 413 views

WALA raw binatbat pagdating sa postura ang ‘A Very Good Girl’ star na si Kathryn Bernardo kung ikukumpara sa ‘Senior High’ actress na si Andrea Brillantes ayon sa talk show host at showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa online show na ‘Showbiz Now Na,’ napag-usapan ng mga host ang pagkukumpara sa dalawang aktres. Nakakita raw ng isang photo collage ang isa sa mga host na si Wendell Alvarez kung saan pinagtabi raw ng netizens ang larawan nina Kathryn at Andrea.

Pinagkumpara raw ang sukat ng boobs ng mga aktres, maging ang balat at lips nilang dalawa ay hindi pinalampas umano ng netizens.

“Hindi ba si Andrea naka-ganoon… siyempre mayroon siyang ano… may dibdib siya tapos si Kathryn naman flat, nakalagay doon flat. Siyempre maraming ano doon, bumoto kay Andrea,” sey ni Wendell.

“Tapos ‘yung lips niya [Andrea] na naka-pout pa ng ganoon ‘di ba ‘yung makapal, si Kathryn naman daw flat ‘yung lips niyang ganoon. Lalo na ‘yung sa skin, pinag-anuhan nila sa skin, na dry daw si Kathryn” pagpapatuloy pa niya.

Tahasan namang sinabi ni Cristy na taob daw talaga si Kathryn kay Andrea.

“Postura at postura, talagang may ilalaban ‘yung Andrea. Wala talagang binatbat si Kathryn,” saad ng showbiz columnist.

“Tanggapin natin ang katotohanan. Paglakad, pagrampa, lalong wala ‘di ba? Model-model talaga si Andrea. Hindi siya pupuwedeng mapintasan sa ganoon,” pagpapatuloy pa ni Cristy.

“So, tayo’y nagkakaisa sa pagsasabing malakas ang appeal ni Andrea,” aniya pa.

AUTHOR PROFILE