
Kathryn nagbigay ng update sa shooting
Nagsimula nang mag-shooting si Kathryn Bernardo ng “Hello, Love, Again” sa Canada base sa latest Instagram post ng aktres.
Sa kanyang Instagram Story makikita ang larawan ng clapper board na ginagamit sa set, which means nasa shooting na sila.
“Here we go,” caption ni Kathryn.
Nauna nang lumipad ang aktres patungong Canada. Umalis siya noong Miyerkules sa gitna ng pagsusungit ng bagyong Carina.
Makikita sa isa niyang post ang sangkaterbang maleta na dala niya.
Kahapon (Saturday) naman umalis ang leading man niyang si Alden Richards patungo sa nasabing bansa.
Balitang three weeks magsu-shoot sa Canada ang team nila.
JAMMING SA DONASYON
Nagbukas ng donation drive ang “Julie X Stell: Ang Ating Tinig” concert para sa mga manonood na mag-donate sa mga nasalanta ng bagyong Carina.
Kagabi (Saturday) ang first night ng collaboration concert nina Julie Anne San Jose and Stell of SB19 sa Frontier Theater sa Cubao.
Maaaring mag-donate ang concertgoers ng iba’t ibang relief goods gaya ng mga de lata, bigas (vacuum-packed, kung maaari) at noodles (beef o chicken flavor, not expiring within four months).
Pwede rin silang mag-abot ng cash at GCash donations.
Nakatutuwa na sa pamamagitan ng musika, maaari ring magbayanihan. Hindi lang mabibigyan ang concertgoers ng pagkakataong makipag-jamming ng paborito nilang OPM hits kasama sina Julie at Stell, may chance pa silang tumulong sa kapwa.