
Kathryn maraming manliligaw — Mommy Min
Inamin ng ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo na maraming manliligaw ngayon ang kanyang anak.
“Siyempre naman. Ang pangit ba naman ng anak ko kung walang manliligaw?” natatawang sey ni Mommy Min sa panayam ni MJ Felipe para sa ‘On Cue’ online show ng ABS-CBN.
Hindi na nagdetalye pa si Mommy Min tungkol dito. Pero aniya, pagdating sa pag-ibig ay hinahayaan lang niyang magdesisyon si Kath.
“Yes. Hinahayaan ko lang siya pero andiyan pa rin ako sa side na, bulong-bulong, ‘Hindi tama ‘yan, hindi okay ‘yan.’ ‘Yung mga ganu’n ba,” aniya.
Pinapayuhan daw niya lagi ang anak na 100 times muna mag-isip bago gumawa ng anumang desisyon.
“Kasi mahirap magkamali. Especially sa stature niya ngayon, marami naghihintay na magkamali siya,” saad ni Mommy Min.
Pagdating sa pag-aasawa, ang lagi raw niyang sinasabi sa mga anak niya, at the age of 25 years old, dapat ay may asawa na sila.
Kath is 29 now at hindi raw niya alam kung kailan ito mag-aasawa.
“Sabi niya, last year, ‘siguro, mga 33 (years old),’ tapos padasog nang padasog. Nu’ng isang araw, narinig ko nga, 34 daw. Pero sabi ko sa kanya, kasi may expiration ang babae, hindi katulad ng lalaki,” tsika ni Mommy Min.