
Kathryn: I’m responsible for my own happiness
Ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang mga natutunan sa ilang taon niyang pananatili sa showbiz at sa dami na rin ng kanyang pinagdaanan.
“Siguro, it’s to protect my inner peace,” aniya sa kanyang panayam bilang April cover girl ng isang glossy magazine.
Aniya, ang showbiz kasi ay hindi lang naman glitz and glamour and everything nice.
“There’s more beyond that. And sometimes, it can get overwhelming, it can get really tiring. So, I just learned how to protect my peace, to surround myself with the right people na mahirap din ‘yun – to find the right people to keep you grounded,” aniya.
Bukod sa kanyang pamilya at mga kaibigan in and out of showbiz, malaki rin ang pasasalamat niya sa kanyang fans na hinayaan siyang mag-grow.
“I’m really thankful because you’re allowing me to grow, to be myself. I don’t want to be dictated, kung anong gagawin, how I present myself, how I talk, what to wear and all these things. I’m very lucky to have them (the fans) as well,” she said.
Sa kanyang naging journey at pinagdaanan, inihahalintulad niya ang sarili sa isang ship na dumaan sa iba’t ibang klase ng unos at bagyo na nalampasan niya lahat.
Kaya naman kung dati ay pasahero lang siya ng barko, ngayon ay siya na ang kapitan at in control.
“Maybe ‘yun ang natutunan ko from my experiences. Now, I’m just so happy because I used to be a passenger of that ship. Now, I feel like I’m in control. I am the captain of my own ship now.
“So, ang saya lang kasi, I’m just so excited to see kung ano ‘yung mangyayari. Yeah, ‘di ba?” she said.
Ngayong 28 na siya ay siya na ang nagkukontrol ng kanyang buhay at responsable sa lahat ng kanyang desisyon.
“I’m responsible for my own happiness, I’m responsible for the people that I surround myself with, basically, I’m in control of my life and it’s so liberating to be in this position,” saad pa ni Kath.
As we all know ay kagagaling lang ng aktres sa 11-year relationship with Daniel Padilla kaya naiintindihan namin kung saan nanggagaling ang mga pahayag niyang ito.