Carlo

Kasal nina Carlo at Charlie star-studded

June 10, 2024 Aster Amoyo 942 views

Carlo1Carlo2Carlo3Carlo4OFFICIAL nang Mrs. Carlo Jose Aquino Liwanag ang award-winning actress na si Charlie Dizon (April Rose Dizon Matienzo in real life) matapos ikasal ang dalawa sa isang sikretong garden wedding na ginanap sa Alta Veranda de Tibig in Silang, Cavite nung nakaraang Linggo, June 9, 2022 na siya ring rason kung bakit dumating sa Pilipinas ang US-based family ng aktres.

Days before the wedding ay may kumalat nang balita na ikakasal na umano ang dalawa nung nakaraang linggo na siya namang nangyari. Kasama sa mga tumayong principal sponsors ay ang president-CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak, ang COO for Broadcast na si Cory Vidanes, ang dating CEO-President ng ABS-CBN at member of Board of Directors ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio, ang Diamond Star na si Maricel Soriano, ang writer-director at dating Managing Director ng Star Cinema na si Olivia Lamasan, ang Star for All Seasons at dating politician na si Vilma Santos-Recto, ang president ng Viva Artists Agency na si Veronique del Rosario-Corpus, ang Star Magic head na si Laurenti Dyogi at ang mag-asawang Sen. Ramon `Bong’ Revilla, Jr. at Cong. Lani Mercado. Kasama rin sa mga tumayong ninong at ninang sina Ramon Liwanag at Roseann Villegas, Noel Mendoza at ang Beautederm founder and lady boss na si Rhea Anicoche-Tan, Atty. Raville Sunga at Marissa Sunga, Wenceslao Salido at Adorina Salido, Eduardo Regala, Dr. Arnold de la Cruz at Jossette Atayde. Tumayong Matron of Honor si Camille Bagasan at Best Men naman sina Yuthana Kaewdang at Marvin Isidro.

Ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez ang tumayong Maid of Honor at mga Bridesmaids naman sina Belle Mariano, Kaila Estrada at Adrian Lindayag. Kasama naman sa mga groomsmen sina Ramon Bautista at Ketchup Eusebio.

Ang iba pang Kapamilya young stars na sina Loisa Andalio, Elisse Joson at Alexa Ilacad ang tumayong candle, veil at cord bearer respectively.

Isang araw bago ang kasal nina Carlo at Charlie ay nanalong Best Actress ang huli sa Gawad Urian para sa pelikulang “Third World Romance” na pinagtamabalan nila ni Carlo. She dedicated the award to her family at sa kanyang mister na ngayon.

Unang nagkakilala sina Carlo at Charlie nang magkasama ang dalawa sa Kapamilya primetime TV series na “A Soldier’s Heart” in 2020 but it was only in 2022 nang magkapalagayan ng loob ang dalawa nang sila’y magsama sa Kapamilya US tour. At that time ay hiwalay na ang award-winning actor sa kanyang dating partner na si Trina Candaza, ina ng kanyang almost four-year-old daughter na si Enola Mithi na isinilang nung September 8, 2020.

It was in November 2022 nang magsimulang makita ang dalawa na magkasama na sinundan ng kanilang viral photos the following month kung saan nakitang nakadantay ang kamay ni Charlie sa hita ni Carlo. A few months after ay inamin na ng dalawa ang kanilang relasyon.

Although wala silang inamin noon, na-link before si Charlie sa isa pang Kapamilya young actor na si Jameson Blake habang si Carlo naman ay matagal na naging kasintahan si Angelica Panganiban. Naugnay din siya noon kina Camille Prats at Maja Salvador. Bukod kay Trina, meron ding isa pang non-showbiz na naging kasintahan ang actor na matagal niyang nakarelasyon.

Kahit may asawa na si Carlo, hindi umano nito tatalikuran ang kanyang obligasyon bilang ama sa kanyang anak na si Enola Mithi who is turning 4 on September 8. Pero bakit wala umano ang actor nang mag-celebrate ng ika-3rd birthday nung isang taon ang anak nila ni Trina?

Samantala, naging napakagandang advance wedding gift sa bagong bride ang kanyang pagkakapanalo ng Gawad Urian award bilang Best Actress a day before her wedding.

Alfred gusto ng award pero mad gustong kumita ang pelikula

Vargas1Vargas2KAMAKAILAN lamang ay nag-host ng isang thanksgiving get-together lunch with his entertainment media friends ang actor-politician at film producer na si Alfred Vargas na may kinalaman sa kanyang recent win bilang Best Actor mula sa FAMAS awards para sa pelikulang “Pieta” na pinagsamahan nila nina Nora Aunor, Gina Alajar, the late Jaclyn Jose, Bembol Roco, Allan Paule, Ina Raymundo,Miggy Jimenez at Tommy Alejandrino na pinamahalaan ni Adolf Alix, Jr. Si Alfred mismo ang producer ng nasabing pelikula under his own Alternative Vision Cinema.

Hindi man pinalad ang nasabing pelikula na makapasok sa 2023 Metro Manila Film Festival, umiikot na ang movie sa iba’t ibang special screenings sa Pilipinas at nakatakda rin itong maipalabas sa iba’t ibang bansa.

Sa pananaw ng isang producer, priority nito ang box office results ng pelikula pero bilang actor ay mas matimbang sa kanya ang award. Pero sa tulad niya na isang actor-producer, pareho umano niyang aasamin ang box office at award.

Sa kabila ng pagiging abala ni Alfred sa kanyang acting and political career plus running his own business, he makes it a point that he spends quality time with his family, sa kanyang misis of 14 years na si Yasmine Espiritu-Vargas at sa kanilang apat na anak.

Ayon sa actor-politician, masuwerte umano siya na siya’y nakatagpo ng ever loving and supportive wife in Yasmine na siyang pumupuno sa kanilang mga anak sa panahong siya’y abala.

Jodi at Pampi annulled na

JodiJodi1AFTER 13 years, nakuha na rin sa wakas ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang approval ng Supreme Court sa pagpapawalang-bisa ng kasal nila ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson na nagpakasal nung taong 2005 at nagkahiwalay nung 2011. Ang dating mag-asawa ay may isang anak na si Thirty (19). After their break-up si Pampi ay bukas ang relasyon sa dating Kapuso actress na si Iwa Moto habang si Jodi naman ay nagkaroon ng relasyon sa actor-politician na si Jolo Revilla pero ito’y nauwi rin sa hiwalayan. Jolo is now happily married sa dating beauty queen na si Angelica Alita at meron na rin silang isang anak. On the other hand, low key lamang ang relasyon ngayon ni Jodi sa ex-husband ni Claudine Barretto, ang actor na si Raymart Santiago.

Kung nanaisin nina Jodi at Raymart na magpakasal ay posible na itong mangyari dahil nung 2014 pa annulled ang kasal ni Raymart sa kanyang ex-wife na si Claudine Barretto. Puwede na ring pakasalan ni Pampi ang kanyang longtime partner na si Iwa Moto (Aileen Quimado Iwamoto) kung kanino siya may dalawang anak na sina Eve (10) at Caleb Jiro (3), unless hindi pa annulled ang kasal ni Iwa kay Mickey Ablan. The former couple separated in 2011, the same year na nagkahiwalay sina Jodi at Pampi.

Sa kabila ng paghihiwalay ng ex-couple na sina Jodi at Pampi ay nanatili ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kanilang anak na si Thirdy. Close din ang mag-inang Jodi at Thirdy kay Iwa maging sa kanilang dalawang anak ni Pampi.

Despite Jodi’s early marriage, separation and becoming a mother at a young age, she was able to reinvent herself by becoming a competent and credible actress at tinapos din niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa kabila ng kanyang very tight schedule.

BarDa kahit mainit na loveteam, magkaiba ang personal life

MATAPOS sumikat nang husto ang tambalang BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco nang magsama ang dalawa sa hit TV series na “Maria Clara at Ibarra” nung 2022, patuloy ang pamamayagpag ng Kapuso loveteam na huling napanood sa TV adaptation ng pelikulang “Maging Sino Ka Man”. Muling mapapanood ang dalawa sa bago nilang serye, ang historical drama na “Pulang Lupa” kung saan din nila kabituin sina Alden Richards, Sanya Lopez, Dennis Trillo at iba pa. Malapit na ring ipalabas sa mga sinehan ang first movie together ng dalawa, ang “That Kid of Love”.

Sa kabila ng pagiging mainit ng tambalan nina Barbie at David, mananatiling hanggang loveteam lamang ang dalawa dahl may Jak Roberto na si Barbie.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE