Karla

Karla, tumalak: My house is not for sale anymore!

June 28, 2024 Vinia Vivar 42 views

Naglabas ng sama ng loob si Karla Estrada sa naglalabasang balita na for sale ang kanyang bahay partikular na nga sa artikulo sa isang online magazine na lumabas noong Enero.

Ibinahagi ng nanay ni Daniel Padilla ang screenshot ng naturang article kung saan ay makikita ang larawan ng kanilang mansion sa Quezon City at ang kanilang family photo with her 80-year-old mom.

“Pasensya na at tatapusin na natin ang tungkol sa bahay ko at tigilan na ang pag post ng bahay ko kasama ang mga anak ko pati narin ang 80yrs old na nanay ko… baket??? Para Saan at kasama ang family picture namin??” simula ng post ni Karla sa Facebook.

“Nakakatuwa naman ang Preview.ph at may panahon pa na ma post ang bahay ko na for sale since 3yrs ago. At hindi lang bahay ko ang may picture pati kami ng nga mga anak ko ha…

“Tanong ko lang, ano po ang koneksyon ng picture naming mag iina sa bahay na for sale eh may pangalan ko naman na buo pa nakasulat na may ari ng bahay,” patuloy niya.

Kinukuwestiyon din TV host/actress kung bakit kailangang malaman pa ang dahilan kung bakit ibinebenta niya ang bahay.

“Ano ba ang dapat talaga pag nag benta ang isang tao ng ari arian nya… Ipaliwanag ang dahilan ng pag bebenta? Kasama ba sa requirements ng mga broker ang sabihin ang dahilan pag nag papa benta ng properties namin? Kailangan nag hihirap na sa buhay agad kaya nagbebenta ng ari arian?

“Medyo malayo ata sa katotohanan yun. Kase masisipag kami sa buhay,” litanya ni Momshie Karla.

“Kaya may katanungan ako dahil Wala kaseng write UP na maayos para sa post na ito Miss cat Cabral from preview.ph kaya kung ano ano na ang kuro kuro ng mga sawsawero at sawsawera,” patuloy niya.

Ikinaimbyerna rin ni Karla ang paulit-ulit na post ng naturang digital mag sa social media tungkol sa ‘for sale’ house nila.

“Basta na pinost nyo lang sa wall nyo eh napaka luma na ho at di nyo naman trabaho na ipost yan ng paulit ulit unless broker na ang pahayagan nyo.

“Ok lang kung ipinagtatanggol nyo kami sa nga sawsawero’t sawsawera na walang masabing Matino kse nga puro haka haka lang. Mas alam pa nila ang dahilan ng pagbebenta ko ng isa sa mga ari arian namin.

“Tsk tsk… dami n’yong oras mag bigay ng komento sa buhay ng iba na walang kayong alam ha. Pero check nyo muna baka may mga kapamilya kayo dyan na kumakalam ang sikmura, unahin nyo yun,” saad ni Karla.

At para matigil na nga raw ang isyung ito, inanunsyo niya na hindi na niya ibinebenta ang kanilang family house.

“O Eto na Para narin sa latest update about my house, at ng matapos na ang luma nang balitang ito.. my house is not for sale anymore,” deklara ni Karla.

“Kaya sa mga panay post dyan hanggang ngayon, na mistulang pa broker na kayo, ayan na ang latest. Para updated naman ang posts ninyo. Kung ayaw nyo sa amin Wag nyo kami pag aksayahan ng panahon,” ang pagtatapos ni Queen Mother.

AUTHOR PROFILE