
Kaprangkahan ni Kobe pinuri ni Lolit
Ikinaloka ng veteran talent manager/entertainment columnist na si Lolit Solis ang sinabi at ginawa sa kanya ni Kobe Paras nang magkita sila kamakailan.
Kwento ni ’Nay Lolit sa Instagram, sinabihan siya ni Kobe na huwag bastusin ang girlfriend niyang si Kyline Alcantara. Pagkatapos daw sabihin ito ay inirapan siya at tinalikuran.
“Naloka talaga ako nang sagutin niya ako ng ‘please walang bastusan, Kyline is my girlfriend’ sabay talikod at irap sa akin,” tsika ng talent manager.
Natawa na lang daw siya dahil proud na proud si Kobe kay Kyline.
“Talagang laugh ako dahil para bang sobra sa pagmamalaki si Kobe na girlfriend niya si Kyline. Sobrang lucky ni Kyline dahil proud na proud si Kobe Paras sa kanya. Talagang para bang precious trophy na dapat ipagmalaki sa lahat,” aniya.
Kung bakit siya tinarayan nang ganito ni Kobe, ani ’Nay Lolit ay dahil sa nasabi niya na level ni Sharon Cuneta o Kris Aquino ang bagay sa basketbolista.
“Na okray tuloy ako ni Kobe ng sabihin ko na mas bagay sa kanya kung level Sharon Cuneta o Kris Aquino. At talagang hindi siya nag goodbye sa akin, snob ako totally, hah hah. Laugh na lang kami ni Benjie Paras kaya nalimutan ko tuloy itanong bakit sila nanduon,” kwento ni ’Nay Lolit.
Pero pinuri rin naman niya ang bunsong anak nina Benjie at Jackie Forster sa pagiging prangka nito.
“Gusto ko iyon ugali ni Kobe na very transparent sa feeling niya. Ipinakikita niya kung ano ang nararamdaman niya hah hah hitsurang ma snob niya mga tao na feeling niya hindi niya kakampi,” aniya.
Ang nakakaaliw, nagbago na ang pananaw ni ’Nay Lolit dahil bagay na raw sina Kobe at Kyline.
“But not for anything bagay sila Kobe Paras at Kyline Alcantara. Sana nga magtagal at mag ending sa altar ang relasyon nila. Kahit hindi nila ako invite, hah hah, kaloka talaga,” pagtatapos niya.