Kapihan

Kapihan sa Bagong PH inilunsad sa MinOr.

May 30, 2024 Jojo C. Magsombol 404 views

P3.6B mula DPWH para sa mga proyekto sa OrMin

INILUNSAD sa Mindoro Oriental noong Mayo 28 ang kauna-unahang Kapihan sa Bagong Pilipinas para ipaabot sa publiko ang mga nagagawa ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaang nasyonal.

Sa kasalukuyan, no. 1 ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Best District Engineering Office dahil sa maayos na pamumuno at may magandang teamwork.

Ipinahayag ni DPWH Regional Director Gerald Pacanan ang estado ng mga malalaking proyekto ng DPWH sa MIMAROPA.

Sa Oriental Mindoro, napag-alaman ni Gov. Bonz Dolor na may nakalaang pondo ang DPWH na P3.6B sa 146 na proyekto ngayong 2024 at 55 dito tapos na samantalang nasa 88 proyekto ang kasalukuyang ginagawa pa.

May mga malalaking proyekto rin ang nagiging problema ang environmental compliance certificate (ECC) samantalang ang iba naman nangangailangan ng convergence o pagtutulong-tulong ng mga ahensya para mabilis matapos.

Bahagi ng programang Bagong Pilipinas ni Pangulong Bongbong Marcos ang Kapihan para maging mas malawak ang paghahatid ng mga kaalaman hinggil sa nagagawa ng mga ahensya ng pamahalaang nasyonal.

AUTHOR PROFILE