
Kapamilya stars naghahanda na para sa ‘ASAP Natin ‘To Milan’
ISANG pang malakasang world-class at proud Pinoy performances ang ihahatid ng ilang Kapamilya stars sa “ASAP Natin ‘To Milan” na gaganapin sa Setyembre 10 (Linggo) sa Mediolanum Forum, Assago, Italy.
Masasaksihan ang powerhouse vocal treats mula sa ASAP royalties na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Bamboo, at Regine Velasquez, kasama ang singing champions na sina Erik Santos, Klarisse De Guzman, Jona, Morissette, KZ Tandingan, at Angeline Quinto.
Susundan ito ng pinaka-fresh na musical treats nina Moira Dela Torre at Kitchie Nadal. Maki party at sumayaw ng todo todo kasama sina Kim Chiu, Maymay, AC Bonifacio at Darren Espanto sa kanilang all-out dance performances.
Magbibigay kilig din sa fans ang Kapamilya heartthrobs na sina Inigo Pascual, Paulo Avelino, at Piolo Pascual.
Magkakaroon din ng reunion ang Darna stars na sina Joshua Garcia at Janella Salvador.
Mula Quiapo hanggang Milan, handa na rin magdala ng good vibes sina Coco Martin at Lovi Poe kasama ang rappers at co-stars na sina Bassilyo at Smugglaz.
Makikisama rin sa pagbibigay saya at sorpresa sa Milan ang ibang Kapamilya stars kagaya nina Dimples Romana, at Unkabogable Superstar Vice Ganda.
Para sa mga tiket “ASAP Natin ‘To Milan,” bisitahin ang https://bit.ly/ASAPinMilanTickets o makipag-ugnayan sa aming mga reseller sa https://mytfc.com/asapinmilan.