Lovi

Kapamilya ‘Precious Jewel’ na si Lovi, may pasabog na b-day celebration sa ‘ASAP…’

February 6, 2022 Ian F. Fariñas 376 views

PATI ang talent manager/showbiz columnist na si Lolit Solis, “Precious Jewel” ng ABS-CBN ang tingin at tawag ngayon kay Lovi Poe, na magsi-celebrate ng birthday bilang Kapamilya sa ASAP Natin ‘To ngayong Linggo.

Ihinalintulad din ni ’Nay Lolit ang aktres sa yumaong ama niyang si Action King Fernando Poe Jr. (FPJ) sa pagiging dedicated at professional kaya naman daw talagang pinag-aagawang makatrabaho ng iba’t ibang artista at production company.

Sabi pa ni ’Nay Lolit sa kanyang Instagram post kahapon, “Kung mapapansin n’yo lagi kasama si Lovi Poe sa malalaking projects kaya naman never nagkaroon ng bakanteng oras ang dalaga.”

Sure raw ang talent manager/showbiz columnist na magiging top rater din ang kauna-unahang pagtatambal nina Lovi at Piolo Pascual sa seryeng Flower of Evil, Pinoy adaptation ng isang sikat na K-drama.

Bukod sa gagawing all-star concert birthday performance sa ASAP mamaya, eh, magiging super busy ang mismong kaarawan ng dalaga sa February 11 dahil magsisimula na siyang mag-shooting para sa isa pang bagong series, ang Sleep With Me, para naman sa Dreamscape Entertainment at iWantTFC.

Ang dati ring Kapuso na ngayo’y Kapamilya star nang si Janine Gutierrez ang isa sa mga makakasama ni Lovi sa Sleep With Me.

Malapit na rin siyang mag-resume ng taping ng Flower of Evil nila ni Papa P.

Samantala, ano nga kayang mga sorpresa ang inihanda ng ASAP Natin ‘To family para sa birthday girl? Abangan.

Live na napapanood ang ASAP…, 12 ng tanghali, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC at worldwide via TFC.

AUTHOR PROFILE