Dennis Trillo

Kampo ni Dennis nilinaw ang TikTok controversy

July 1, 2024 Vinia Vivar 64 views

Naglabas na ng official statement ang Aguila Entertainment tungkol sa talk of the town ngayong comment ng talent nilang si Dennis Trillo sa TikTok kahapon, July 1.

Nagsimula ang issue nang mag-post si Dennis sa TikTok ng isang short video niya kung saan ay makikitang ginamitan niya ng filter ang sariling mukha.

Caption lang niya rito ay “#fyp #foryoupage #goodvibesonly #insideout #facialworkout”

Sa comment section ay may nagtanong na netizen kung bakit wala ang asawa niyang si Jennylyn Mercado sa bagonig GMA Station ID at kung totoong lilipat na ang aktres sa ABS-CBN.

Ang reply ni Dennis: “May ABS pa ba?”

Mabilis na nag-viral ang komento na ito ni Dennis sa mga social media platform at kanya-kanyang reactioni ang netizens.

Sey ng isang X user, “Oo Dennis Trillo, may ABS-CBN pa. Gag* ka ba?”

Komento nlaman ng isa pa, “DENNIS TRILLO CHOSE VIOLENCE TODAY BWAHAHHAAHAHAHHA AYAN KAKAEXCITE NIYO KAY JENNYLYN NIREALTALK KAYO NG ASAWA IYAK MGA CHAKAMS! Bawal ang pikonesa.”

Sabi naman ng isa pa, “Ang tanong, may Dennis Trillo pa ba?”

Meron din namang nagtanggol at sinEabing “Huy, parang wala sa hilatya ni Dennis Trillo na ganyan sumagot. I dont think sya yan. Lalo na knowing palipat si Jen. May something..”

Ayon naman sa isa pang netizen, “he seems hacked? i don’t think he’ll respond like that. May previous instances ba na parang ganyan si Dennis makipaginteract online?”

True enough, naglabas ng statement sina Jan Enriquez at Katrina Aguila ng Aguila Entertainment saying na na-hack ang TikTok account ni Dennis.

Narito ang nilalaman ng official statement:

“We would like to inform the public that Dennis Trillo’s TikTok account has been hacked around noontime today, July 1, 2024.

“There were some comments made using his name and we assure everyone that it was not his doing. It is very unlikely of Dennis to make such remarks and he is a person who has nothing but kindness and respectin his heart.

“We are currently fixing the matter to avoid this incident from happening again.

“Thank you.”

Sinabi rin ni Jan na nasa taping ng Pulang Araw si Dennis kahapon at hindi gaanong makagamit ng cellphone.

“We are investigating the situation but do know na hindi po si Dennis ‘yun. He is currently taping for Pulang Araw and has limited access to his phone as per his PA. We advise the public not to jump into conclusions with regard to this incident,” pahayag pa ni Jan.

AUTHOR PROFILE