Default Thumbnail

Kampanya vs ismagling ng bigas lalo pang pinaigting

August 30, 2023 Vic Reyes 507 views

Vic ReyesTAMA ang ginagawa ng Bureau of Customs (BOC), na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, na lalong pinapaigting ang kampanya laban sa ismagling ng bigas.

Ang ginagawa ngayon ng mga taga-BOC ay binabantayang maigi ang mga warehouse na pinagsususpetsahang pinagtataguan ng mga puslit na imported rice sa buong bansa.

Gusto ng mga tiwaling negosyante na magkaroon ng artificial na kakulangan ng bigas sa merkado para tumaas ang presyo nito at magkamal sila ng malaking kita.

Hindi na nga nila ipinagbayad ng duties at taxes ang kanilang mga importasyong bigas, eh mga hoarders pa sila.

Sobra naman ang kalokohan ng mga negosyanteng ito. Dapat sa kanila ay mahuli at makasuhan ng ismagling at hoarding para hindi na sila makapaminsala sa taumbayan.

Sabi nga ni Commissioner Rubio, sa isang Palace briefing noong Martes, Agosto 29, ay iinspeksyonin pa nila ang mas marami pang bodega sa buong Pilipinas.

Ayon kay Rubio, kailangang magbayad ng tamang buwis ang mga importer ng bigas at huwag magtago ng bigas para hindi magkaroon ng artificial shortage sa merkado.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na paghahabulin ng mga otoridad ang mga ismagler at hoarder ng bigas, ang staple food ng mga Pinoy.

Malaki ang maitutulong ng mga ordinaryong tao sa mga barangay dahil sila ang nakakaalam kung anu-ano ang nangyayari sa kani-kanilang lugar.

Alam nila kung sinu-sino ang hoarder dahil maliit lang naman ang isang barangay.

Hindi ba, PNP chief Gen. Benjamin Acorda at DILG Secretary Banhur Abalos Jr?

****

Kamakailan ay nagpulong ang mga taga-Bureau of Customs (BOC) at mga miyembro ng Clark Security Advisory Council para pag-usapan ang security measures at trade facilitation sa rehiyon.

Ginanap ang pulong sa Clark Visitors Center, na pinangunahan ni BOC-Port of Clark District Collector Erastus Sandino B. Austria.

Ang miting ay dinaluhan ng mga regional directos at hepe ng iba’t ibang government offices and agencies sa Central Luzon.

Ayon sa ulat, ang discussions ay “centered on fostering a potential collaboration” sa pagitan ng BOC at law enforcement agencies operating in Region 3.

Reports said “the primary focus of these collaborative efforts revolves around bolstering border security and streamlining trade facilitation processes.”

Ipinangako ni District Collector Austria na ang Port of Clark ay mananatiling dedicated sa pagsilbi sa kanilang mga kliyente at lalo pang pagbubutihin ang serbisyo sa taumbayan.

Ang inisyatibo ay naka-align sa “vision set forth by Commissioner Rubio’s eight-point priority program.

Ito’y alinsunod sa Philippine Development Plan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

***

Balik-eskuwela na naman ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ang ibig sabihin niyan ay problema na naman ng mga magulang, lalo na ang mga walang-wala, kung saan sila kukuha ng perang baon ng mga bata at pambili ng mga gamit sa eskuwela.

Hindi problema ito sa mga magulang na kahit papaano ay may pinagkukunan ng pera.

Paano na lang ang mga magulang na wala namang trabaho at umaasa lang sa bigay-bigay ng mga kamag-anak?

Libre nga ang basic education sa mga pampublikong paaralan sa bansa, pero paano naman yong ibang gastusin ng mga bata na Kagaya ng pamasahe at pang-meryenda?

Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay may mga out-of-school youth pa sa maraming parte ng Pilipinas.

May mga bata nga na napipilitang magtrabaho para makatulong sa mga magulang na kakaunti lang ang kinikita sa maghapong pagtatrabaho.

Nakakaawa naman ang mga ito.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE