Jennylyn

Kalagayan ni Jennylyn hindi pa rin alam

October 2, 2021 Aster Amoyo 895 views

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin alam ng marami kung anong nangyari sa Kapuso star na si Jennylyn Mercado na may kinalaman sa kanyang`medical emergency’ na naging sanhi ng pagkaka-pack-up ng lock-in taping ng kanyang bagong ginagawang serye sa GMA, ang “Love, Die, Repeat” na pinagtatambalan nila for the very first time with Xian Lim in his first Kapuso TV series. Kasama rin sa cast sina Gardo Versoza, Valerie Concepcion, Lui Manansala, Samantha Lopez, Myrtle Sarrosa at iba pa.

Dapat sana’y kasama rin sa cast ng LDR ang isa pang Kapuso actress na si Kim Domingo pero nag-positibo ito sa Covid-19 kaya siya’y pinalitan ni Myrtle.

Vico SottoMayor Vico sinamahan nina Coney at Vic sa filing ng COC

NAGKAHIWALAY man ang celebrity parents ni Pasig City Mayor Vic Sotto, na sina Vic Sotto at Coney Reyes, buong-buo naman ang suporta nila sa una bilang anak at bilang alkalde ng Pasig City.

Ang 32-year-old binatang mayor ay nakapag-file na ng kanyang certificate of candidacy sa Pasig branch ng Commission of Elections (COMELEC) office last Friday, October 1, first day of filing ng COCs na tatagal hanggang sa darating na Biyernes, October 8.

Bilang pagsunod ng health protocol, walang ibang kasama si Mayor Vico sa kanyang pag-file ng COC kundi ang kanyang parents na sina Vic at Coney.

Sa ganda ng performance ni Mayor Vico sa Pasig, hindi malayong muli itong maluklok sa puwesto sa ikalawang pagkakataon.

Samantala, magtatapos ang unang termino ni Mayor Vico bilang alkalde ay hindi pa ito nakatagpo ng kasintahan and eventually magiging First Lady ng Pasig. Ang katwiran ng young at binatang mayor, priority niya sa ngayon ay ang sinumpuang tungkulin sa kanyang mga constituents.

After all, love can wait.

JasonJason kakandidato bilang board member ng Nueva Ecija

MARAMI-RAMI na ring celebrities (old and new) ang nag-file na ng kanilang Certificate of Candidacy sa iba’t ibang sangay ng Commission of Elections sa buong bansa at isa sa kanila ay ang newbie sa larangan ng public service, ang Kapuso actor na si Jason Abalos na kakandidato sa pagka-bokal sa kanyang hometown sa Nueva Ecija. He will be replacing his father, Popoy Abalos, na isa nang senior citizen.

Ang dating Kapamilya at ngayo’y Kapuso actor ay nagtapos ng Bachelor’s degree in Electrical Engineering sa Nueva Ecija University of Science and Technology.

Bukod sa kanyang pamilya, suportado rin si Jason ng kanyang longtime girlfriend, ang Filipino-British actress at dating beauty queen na si Vickie Rushton.

Si Jason ay kasama sa cast ng upcoming TV drama series ng GMA, ang “Las Hermanas” na tinatampukan nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Faith da Silva at kung saan din kasama sina Albert Martinez, Jennica Garcia at iba pa. Ito’y pinamamahalaan nina Monti Puno Parungao at Patrick Ferrer.

Miss uMiss U Philippines proud member ng LGBTQI+

ANG nanalo at kinoronahang 2021 Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gomez (26) from Cebu is making history dahil siya ang kauna-unahang lesbian beauty queen. She is a proud member of the LGBTQI+ community.

Stands at 5’9,” si Beatrice ay aktibo sa community works, athlete at military reservist. She does scuba diving at volleyball player. Siya bale ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 70th Miss Universe pageant na gaganapin sa Eilat, Israel sa darating na Disyembre.

Filipino-German Maureen Wroblewitz (23) was first runner-up. Since bata a si Maureen, malaki pa ang kanyang chance sa ibang beauty competitions including Bb. Pilipinas and Miss World Philippines at puwede rin siyang umulit sa Miss Universe Philippines.

Hindi naman pinalad ang ex-PBB housemate-turned actress na si Kisses Delavin but she can also give it another try since bata pa rin siya at age 22.

ToniToni ayaw pang sundan ang anak nila ni Paul

FIVE years old na ang anak ng mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano na si Seve (Severiano Elliott Gonzaga Soriano) last September 30 kaya marami ang nagtataka kung bakit ayaw pa itong sundan ng celebrity couple.

Ang mga kaibigan ni Toni at mga naging kasamahan sa paghu-host ng reality show na “Pinoy Big Brother” na sina Bianca Gonzales at Marielle Rodriguez ay pareho nang may tig-dalawang anak (both girls) sa kanilang respective husbands na sina JC Intal at Robin Padilla.

Toni is turning 38 on January 2, 2022 at magpu-40 naman si Paul ngayong October 17.

Best actor trophy ni John may bonus gift

HINDI lamang pala Coppi Volpi (Volpi Cup) ang natanggap ng award-winning actor na si John Arcilla bilang Best Actor sa recently-concluded 78th Venice Film Festival na ginanap in Venice nung isang buwan. Sa loob ng box na ipinadala sa “On the Job: The Missing 8” lead actor ay kasama ang isang red box na naglalaman ng mamahaling ng Cartier watch for men na labis niyang ikinagulat at ikinatuwa. Ang Cartier watch ay nagkakahalaga umano ng mahigit P600,000

At 55, si John lamang ang kaisa-isang talent of his age na kinontrata ng Star Magic this year.

John rose to prominence nang gawin niya ang historical and award-winning movie na “Heneral Luna” in 2015 where he portrayed the lead role. Magmula noon ay hindi na nawawalan ng proyekto ang actor na nagsimula sa teatro. Unknown to many, si John ay isa ring mahusay na singer at naging bahagi rin siya sa now-defunct youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng yumaong Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno on GMA.

Ang Coppi Volpi (Volpi Cup) for Best Actor ay siyang kauna-unahang international Best Actor trophy na natanggap ng actor. Samantala, regular siyang napapanood sa top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” as Renato Hipolito.

Mga anak at pamangkin ni Lara artista na rin

AYON sa 20-year-old newbie na si Stephanie Raz, idol umano niya ang kanyang Tita Mylene Sanchez na mas kilala sa showbiz as Lara Morena na siya ring tumulong sa kanya para maging contract star ng Viva Artists Agency.

Napaka-suwerte ni Stephanie dahil agad siya isinama ng Viva Films sa part 2 ng “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap kung saan din kasama si Lara. Kasama pa rin sa movie ang ilan sa mga original cast ng part 1 na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor kung saan naman unang ipinakilala ang sexy star na ngayon na si AJ Raval.

Bukod kay Stephanie, kinontrata rin ng Viva ang dalawa pa niyang mga kapatid na sina Angela Morena at Micaela Raz maging ang dalawang anak ni Lara sa kanyang ex-husband, ang businessman na si Fausti Galang na sina Millen Gal at Frost Sandoval.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE