Kaladkaren

Kaladkaren, hirap pagsabayin ang lovelife at career

June 27, 2023 Vinia Vivar 230 views

Matapos manalong Best Supporting Actress sa first Summer Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Here Comes The Groom last April, nagsunud-sunod na ang pagbukas ng maraming pintuan para kay Jervi Li, a.k.a. Kaladkaren.

Since then ay nagkasunud-sunod na nga ang mga offer sa kanya at ngayon ay napapanood na siya bilang showbiz newscaster sa Frontline Pilipinas ng TV5.

Bukod dito, pumirma na ng kontrata si Kaladkaren sa Star Magic.

Sa contract signing ay hindi napigilang maging emosyonal ni Jervi sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Star Magic family.

Bukod dito, napaiyak din siya sa message of love and support sa kanya ng fiancé na ipinakita sa AVP.

“Naiyak ako kasi hindi na kami nagkikita. Nasa bahay siya, pag-uwi ko, tulog. Pag-alis ko, tulog pa rin siya. So, kanina, nag-text sa akin, nag-sad face na,” kwento ni Karen.

At dahil nga super busy siya ngayon, aminado siya na parang nagsisimula na niyang maranasan ang hirap ng pagsabayin ang lovelife at career.

“Parang ngayon nararamdaman ko,” natatawa niyang sabi. “Nu’ng una, parang saktu-saktohan lang, eh. Ngayon, parang ‘ha? Teka lang, anong gagawin ko?’ Ang hirap din pala talaga. Pero I’m happy and blessed na at least, ‘di ba marami tayong ginagawa at marami tayong nai-inspire rito sa mga ginagawa natin sa showbiz?”

Dream come true para sa kanya na maging part ng Star Magic family at bata pa lang siya ay nakikita na niya ang mga artistang pinasikat ng talent agency.

Hindi raw niya inakalang posible rin para sa isang katulad niya ang mapabilang sa ganito kalaking ahensya.

Sa ngayon ay may mga naka-line-up nang project kay Kaladkaren kabilang na ang isang teleserye, reality show at pelikula.

AUTHOR PROFILE