
Kakainin
MUKHANG kailangan nang ilabas ang kanin, dahil nakahanda na ang ulam sa kusina.
Mas lalo ngang pinainit ng Vivamax actress na si Jonica Lazo ang kusina nang maghain ito ng makatas at sumisirit na patakam.
Sa isang Instagram post ng sexy star, ibinahagi niya ang mga larawan ng kanyang photoshoot na naganap pa mismo sa isang kusina.
“Your Vivamax Crushie,” sey niya sa caption ng kanyang post.
Bumulaga nga ang nagtatambukang pisngi ng “behind” ni Jonica sa larawan. Mala-mamon ang kakinisan nito at tila may lambot na gaya ng sa tinapay.
Ang style ng mga kalalakihan na pinusuan ang larawan niya, i-zoom ang T-back style niyang panty.
Angat na angat kasi ang hubog niya sa two-piece bikini na suot.
May hipnotismo ring dala ang nag-aapoy na titig niya. Dahil tingin pa lang niya, titigas na ang “T” ng mga barako.
Samantala, hindi nga lang mga kalahi ni Adan ang natakam sa “pa-ulam” ni Jonica dahil maging ang mga kalahi ni Eba ay bet na bet na rin siyang matikman.
Humirit pa nga maging ang mga kapwa niya Vivamax actress sa comment section kabilang na sina Aria Bench, Chloe Jenna, Aila Cruz, Princess Zian, at Zsara Laxamana.
Sey ng isa sa kanila sa, “Hinahanap ko yung ulam, andito lang pala.”
Wish naman ng mga tagahanga niya, more Vivamax films para kay Jonica.
Ngayong taon nga lang ay naitampok na si Jonica sa ilang Vivamax original films kabilang na ang Balinsasayaw, Sweet Release, at TL.