Default Thumbnail

Kailangang mag-upgrade ang BOC

August 23, 2023 Vic Reyes 427 views

Vic ReyesMAHIRAP talagang matigil ang ismagling sa bansa dahil sa dami ng mga islang pwedeng pagdaungan ng mga barko at motor boat na may mga dala-dalang kontrabando.

Nandiyan pa ang mahabang coastline ng bansa na imposibleng mabantayan ng PN at PCG ng 24 hours a day dahil sa kakulangan nila ng barko at patrol boats.

Nandiyan din ang paboritong paraan ng mga ismagler ng pagpupuslit ng mga produkto.

Ito ang technical smuggling na ang kailangan lang ng mga ismagler ay ang kooperasyon ng ilang tiwaling empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa ma port of entry.

Pero mabuti na lang at nandiyan ang mga x-ray machine, sniffing dog at higit sa lahat ang mga incorruptible at highly-trained na nga opisyal at kawani ng customs bureau.

Kaya nga maraming nadidiskubreng container vans, bagahe at pakete na naglalaman ng prohibited goods, na kagaya ng shabu, kush marijuana at cocaine.

Sa tingin natin ay kailangan talagang ma-upgrade ng mga equipment at ibang gamit sa anti-smuggling operations.

Kasi sadyang nagiging highly-enterprising rin ang mga ismagler para lang hindi madaling mabisto ang kanilang mga ginagawang technical smuggling na nagpapahirap sa bayan.

Pero hindi uubra ang mga ismagler kina Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, Deputy Commissioner Juvymax Uy at iba pang dedicated BOC personnel.

Huwag ninyong kalimutan na matinik na intelligence officer si Commissioner Rubio, na tubong Batac City, Ilocos Norte.

***

Pitong araw na lang ay magsisimula na ang mahabang Christmas Season sa bansa.

Sa Pilipinas, nagsisimula ang masayang Holiday Season sa unang araw ng September, ang una sa apat na “BER” months ng taon (September, October, November at December).

Inaasahan ding lalo pang tataas ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) sa mga buwan na ito dahil sa pagdagsa ng mga tinatawag na “Christmas items.”

Sa totoo lang, inaasahang malalampasan ng BOC ang kanilang 2023 collection target.

Sa taong ito ay inatasan ng gobyerno ni Pangulong Bongbong Marcos na kumolekta ng P921 billion ang ahensyang pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Kailangan ng administrasyon ni Pangulong Marcos ang malaking pera para pondohan ang iba’t ibang programa para mapaangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Ang gusto ni Marcos ay ma-address ang mga problemang nagpapahirap sa mahigit isang daang milyong populasyon ng bansa.

Nandiyan ang kahirapan, kawalan ng trabaho, kawalan ng maayos na tirahan at ‘di mapigilang pagtaas ng presyo ng halos lahat na bilihin, lalo na ang pagkain at gamot.

Naniniwala ang marami, kabilang na tayo, na kaya ng BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR) na ma-meet ang kani-kanilang revenue targets sa taong ito.

Tama ba kami, Finance Secretary Benjamin Diokno?

***

Magsisimula na sa Lunes, Agosto 28, ang paghaharin ng certificate of candidacy (COC) para sa darating na October 30 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ay nakasaad sa calendar of activities na inilabas ng Commission on Elections (Comelec), na pinamumunuan ni Chairman George Erwin Garcia, isang poll lawyer.

Kahit non-partisan ang dalawang eleksyon na ito ay inaasahang makikialam ang mga lokal na politiko dahil mahalaga sa kanila ang BSKE.

Kailangang manalo ang kani-kanilang kandidato dahil sila ang tutulong sa kanila pagdating ng 2025 national and local elections.

Kaya dapat maging istrikto ang mga taga-Comelec sa pagpapatupad ng election laws, rules and regulations.

Kung hindi ay baka maging magulo ang dalawang eleksyon dahil halos lahat ng mga kandidato ay magkakamag-anak. magkakapit-bahay at magkakaibigan.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-textb sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE