Kadiwa KADIWA CENTER–Nanguna si Dr. Richard V. Simangan, DTI provincial director, sa pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo sa lumang provincial capitol ng Cabanatuan City noong Lunes. Kuha ng DTI

Kadiwa ng Pangulo nagbukas sa Cabanatuan

July 17, 2023 Steve A. Gosuico 209 views

LUNGSOD NG CABANATUAN — Inilunsad noong Lunes ng Nueva Ecija Department of Trade and Industry at ng provincial agriculture office sa koordinasyon ng iba pang ahensya ng gobyerno ang programang “Kadiwa ng Pangulo” sa lumang provincial capitol compound dito.

Kasabay ng aktibidad na ginanap sa San Fernando City, Pampanga kung saan sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Jr. ang paglulunsad sa lahat ng local government units sa buong bansa ang paglulunsad ng KNP program sa siyudad na ito.

Sinabi ni Dr. Richard V. Simangan, DTI provincial director, na mahigit 62 micro, small, and medium enterprises ang inimbitahan ng DTI-NE at mahigit 42 ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang lumahok sa KNP program kung saan ilang stalls ang inilagay sa likod ng lumang provincial capitol building dito.

Kabilang sa mga pangunahing bilihin na ibinebenta ay ang bigas mula sa National Food Authority na nasa P25 kada kilo.

Ibinebenta rin ang mga itlog, gulay, karne, processed food, damit, bag o bayong, mushroom chip, chili garlic at non-food items tulad ng tsinelas, bedsheet at saplot ng unan, at iba pa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Simangan na hinimok niya ang mga Novo Ecijano na tumangkilik sa mga produktong Pinoy, lalo na ang mga ibinebenta sa mga outlet ng Kadiwa ng Pangulo.

Tinulungan ng DTI-NE, OPA, Department of Social Welfare and Development at mga kinauukulang local government units ang mga kalahok na MSMEs.

AUTHOR PROFILE