Kadiwa Inilunsad nitong Lunes sa Cabiao, Nueva Ecija ang Kadiwa ng PANGULO kasabay ng pagdiriwang ng siyam na araw para sa kapistahan ng bayan na kung tawagin ay KABYAWAN FESTIVAL 2024, bilang pagkilala sa kanilang patron na si St John Nepomuceno. Nasa LARAWAN si Mayor Ramil RBR Rivera (3rd mula kaliwa), kasama sina Brigida Pili, DTI regional director for Central Luzon, DA regional director Eduardo Lapuz Jr., Vivorey Lapitan, municipal local government officer, Dr. Jovita Agliam, provincial agriculturist, at Alfee Rei, GALAPON, DTI development planner. Kuha ni STEVE A. GOSUICO.

Kadiwa ng Pangulo binuksan sa Cabiao

May 14, 2024 Steve A. Gosuico 145 views

CABIAO, Nueva Ecija–Inilunsad ang “Kadiwa sa Pangulo” o Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Lunes sa bayang ito.

Kasabay ang paglulunsad sa pagbubukas ng Kabyawan Trade Fair ’24, isa sa mga events ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Ramil Rivera, ang 9-day celebration ng pista ng bayan na tinawag na “Kabyawan Festival ’24 sa Mayo 8-16.

Si Konsehal Rav Kevin Rivera, ang anak ng mayor, kasama si Department of Trade and Industry-Central Luzon director Brigida T. Pili, Department of Agriculture Region 3 director Eduardo L. Lapuz Jr., Vivorey S. Lapitan, municipal local government officer, Dr. Jovita B. Agliam, provincial agriculturist, Alfee Rei L. Galapon, DTI development planner at municipal agriculturist Joseph S. Victorio, ang nanguna sa paglulunsad ng event sa municipal hall grounds.

Ang Kadiwa center sa Cabiao ang ika-12 edisyon ng Kadiwa ng Pangulo na inilunsad sa Nueva Ecija sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno at iba’t-ibang local government units.

May kabuuang 32 exhibitors na nag-aalok ng mga sariwang gulay, prutas, tinapay, pampalasa, pagkain, kasangkapan, damit at handicrafts ang nakikibahagi sa aktibidad.

“Isa ang Kadiwa sa Pangulo sa mga flagship programs ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naglalayong siguraduhing mayroong sapat at masustansyang pagkain sa bahagi ng bawat pamilyang Pilipino,” ani Pili.

Sinabi niya na pinapayagan ding sumali dito ang mga magsasaka at ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) para ibenta ang kanilang mga produkto at makapagbigay ng abot-kayang halaga na mga produkto sa mga mamimili na hindi dadaan sa middlemen.

AUTHOR PROFILE