Bigas

KADIWA Centers magbebenta na ng P20/kilo bigas

April 28, 2025 Cory Martinez 59 views

MAGBEBENTA na rin ang ilang KADIWA Center ng P20/kilo ng bigas upang magkaroon ng pagkakataon na makabili ng mas murang bigas ang mga indigent, senior citizens, solo parents at persons with disabilities (PWDs).

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., magsisimula na ang pagbebenta ng murang bigas sa ilalim ng P20 rice project sa Mayo 2.

Sa pamamagitan ng P20 rice project, magbebenta ang DA at KADIWA Center o mga lokal na pamahalaan ng mataas na kalidad na bigas sa halagang P20 kada kilo sa kani-kanilang komunidad.

Tanging ang mga indigents, senior citizens, solo parents at PWDs ang maaaring pagbentahan ng murang bigas.

Maaari lamang makabili ang mga ito ng hanggang 30 kilo ng bigas kada buwan. Bibilhin ng Food Terminal Inc. mula National Food Authority (NFA) ang ibebentang murang bigas.

Para sa pilot run nito, maaaring gawing available ng mga kalahok na LGUs na nagbahagi ng kanilang subsidy para sa proyekto, ang bagong rice option sa lahat ng household sa kanilang komunidad kahit hindi kabilang sa vulnerability status.

“The new rice option aligns with the ‘Bente Bigas Mo’ pilot program in the Visayas and in the 10 local government units (LGUs) that have joined the initiative, where NFA rice is sold at P33 per kilo due to the national food security emergency.

These LGUs include San Juan City in Metro Manila, San Jose del Monte in Bulacan, Camarines Sur and Mati City in Davao Oriental,” ani Tiu Laurel.

Nakakuha ang DA ng clearance mula sa Commission on Elections upang ituloy ang pagbebenta ng P20-per-kilo subsidized rice.

Sa ulat ni NFA Administrator Larry Lacson, may kabuuang 10.2 milyon na sako ng bigas na nasa mga bodega.

Ang kabuuang total buffer stock na 7.56 million bags ng bigas, pinakamataas sa loob ng limang taon, sapat na makamit ang national demand para sa 10 araw, ayon sa NFA official.

“My directive to our teams on the ground is to purchase as much palay as possible, at P18 to P24 per kilo, to help boost farmers’ incomes,” ani Lacson.

Ayon naman kay Tiu Laurel, noong Hunyo 2024 pa kinukunsidera ang naturang inisyatibo subalit hindi praktikal dahil sa patuloy na pagtaas ng pandaigdigang presyo ng bigas at ang mababang stock level ng NFA.

Binigyang-diin pa ni Tiu Laurel na nakadisenyo ang “Bente Bigas Mo” initiative sa dalawang layunin–ang maibsan ang financial burden ng milyun-milyong Pilipino habang sinisiguro ng patas na pagbayad sa mga ani ng mga magsasaka.

AUTHOR PROFILE